Advertisers
NASAWI ang isang lalaki nang barilin ng pulis naghuramintado habang nag-iinuman ang kapitbahay nito sa Cebu city noong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Leo Vergel Fin Suico, nasa hustong gulang; habang sumuko naman ang salarin na si Police Staff Sgt. Florante Perucho Hoyle, nakatalaga sa City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU) ng Cebu City Police Office, at kapwa residente ng Barangay 6, Tuburan.
Ayon kay Captain Dun Blane Tabares ng Cebu Police Provincial Office, naganap ang krimen 6:15 ng hapon ng Mayo 13, 2025.
Sa pahayag ng ilang saksi sa pangyayari, dumating ang salarin na lasing at naabutan ang ilang kalalakihan na nag-iinuman.
Sinita ng lasing na pulis ang grupo ng nag-iinuman, na nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan.
Nagpaputok si Hoyle ng warning shot. Tumakbo ang grupo ng kalalakihan.
Pumasok si Hoyle sa isang bahay at lumabas ang biktima, binaril niya ito sa ulo. Patay agad ang biktima.
Nakakulong na si Hoyle sa Tuburan Police Station at nahaharap sa kasong murder at physical injury.
Samantala, dinakip ang pinsan ng biktima na si Jerymy Fin Suico nang batuhin niya ang patrol car ng mga pulis at nabasag ang back windshield. Nahaharap ito sa Malicious Mischief.