Advertisers

Advertisers

Hontiveros pinag-i-inhibit ni VP Sara sa impeachment

0 6

Advertisers

TAHASANG tumanggi si Vice President Sara Duterte na ipa-inhibit ang senator-judges na inindorso niya sa nakalipas na halalan.

Sa kanyang press conference sa Davao City, sinabi ni VP Sara na kung mayroon mang dapat ipa-inhibit sa impeachment case laban sa kanya, hindi lamang aniya ang senator-judges na kaalyado ng kanilang pamilya.

Pahayag ng pangalawang pangulo, dapat ding ipa-inhibit ang senator-judges na bias laban sa kanya tulad ni Senator-Judge Risa Hontiveros na nagbitaw ng pahayag na dapat wasakin ang pamilya Duterte.



Idinagdag ni VP Sara na dapat bumoto nang patas ang senator-judges at base sa kanilang sinumpaan.