Advertisers
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na inilipat na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kontrobersyal na Russian vlogger na Vitaly Zdorovetskiy.
Sinabi ng BI na noong Hunyo 11 ay dinala na si Zdorovetskiy sa BJMP bunsod ng marami pang kasong kinakaharap ito sa bansa. Mananatili si Zdorovetskiy sa kustodiya ng BJMP hanggang sa pagresolba ng kanyang mga kaso sa korte, bago ito ibalik sa BI para sa deportasyon.
Kinumpirma rin ni BI spokesperson Dana Sandoval na dati nang humiling si Zdorovetskiy para sa pansamantalang pagpapalaya sa ilalim ng piyansa, ngunit binigyan-diin ng ahensya na walang ganoong kaluwagan ang ibinigay.
Sa isang dokumentong isinumite sa BI, sinabi ni Zdorovetskiy na wala itong intensyon na iwasan ang deportasyon, at nangako na manatili sa loob ng National Capital Region.
Sinabi rin nito na agad nitong isusumite ang sarili sa BI custody sakaling may mailabas na deportation order laban sa kanya.
“This is not just a matter of administrative procedure—it is about protecting the integrity of our immigration laws. Foreign nationals who abuse our hospitality and violate our laws must face the consequences. The Bureau is resolute: we will not allow our deportation process to be undermined by publicity tactics or legal maneuvering. No special treatment will be given,” paliwanag pa ni Sandoval.
Si Zdorovetskiy, na isang notoryus na Russian content creator na nagsasagawa ng offensive prank videos at may masamang ugali habang nasa bansa ay naaresto noong Abril dahil sa paglabag sa Immigration Act. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)