Advertisers
LUBOS ang pasasalamat ng mga estudyante sa pamahalaan dahil sa napakalaking diskwento sa pasahe ng mga sasakay sa lahat ng linya ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Nitong Biyernes ng umaga ay inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang programa para sa lahat ng mga estudyante.
Sa panayam kay Christian Simon, estudyanteng nakapagrehistro at first time na mag-a-avail ng 50% discount malaking tulong ito lalo na’t hirap din siya sa pagba-budget sa pamasahe lamang.
Sakaling makapasa aniya sa kanyang exam sa University of Santo Tomas (UST) ay araw-araw na siyang sasakay sa LRT-2 para pumasok.
Malaki aniya ang matitipid niya sa 50% discount at puwede niya itong gamitin sa iba pang gastusin.
Sa computation ng DOTr, nasa P34 ang matitipid ng mga estudyante sa pagbiyahe nila sa isang araw.
Katumbas ito ng P170 kada linggo o nasa P680 kada buwan.