Advertisers
PUNTIRYA ng Pilipinas ang mas mataas na spot sa podium sa Southeast Asian Men’s V.League na nakatakda sa Hulyo 9 hanggang 13 sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Layunin rin ng bronze medalist nakaraang taon, Alas Pilipinas na makamit ang world ranking points pati na rin ang malaking bahagi ng USD55,000 (PHP3.15 million) premyo na nakataya.
Ang champion ay makakuha ng USD13,000 (katumbas ng PHP743,000) at ang runner-up USD12,000 (PHP686,000) sa paligsahan na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Ang bronze medalist ay tatanggap ng USD11,000, ang fourth placers USD10,000, at ang fifth placers USD9,000.
Cambodia ay sumama sa two-leg champion Thailand, runner-up Indonesia, Philippines at Vietnam sa region’s top flight.
Ang Cambodia ay itinaguyod matapos mangibabaw sa 2024 SEA V. League Challenge tampok ang Malaysia,Laos at Singapore national teams.
Marck Espejo, Steve Rotter at Owa Retamar ay muling inaasahan na makagdeliver para sa Alas Pilipinas, na tinalo ang Thailand five sets sa Alas Pilipinas Invitationals nakaraang Linggo.
Naghahanda rin ang Alas Pilipinas para sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na e-host ng bansa sa Setyembre 12 hanggang 28.