Advertisers
Dapat papurihan din ng todo si EJ Obiena sa susunod-sunod niyang nakamit na karangalan para sa Pilipinas.
Pito na ang ginto niyang napanalunan ngayong taon sa pole vault.
Bagama’t hindi kasing sikat ng ibang sport ang kanyang larangan ay ipinagmamalaki pa rin natin ang ating pambato sa athletics.
Inaasahan siya kasama sina Alex Eala ng tennis at Carlos Yulo ng gymnastics na mag- uuwi ng gold sa Asian Games sa Nagoya, Japan sa Setyembre.
Mabuhay ang mga manlalarong Pilipino!
***
Alam ninyo bang may Tirso Cruz III na basketball team noong early 70s.
May uniporme silang light na sumulpot sa social media na may naka- print na TC III para sa initials ni Pip.
Muse nila siyempre ang batang-bata pang si Nora Aunor.
Yung mga kasama nila sa larawan ay mga di kilalang player o artista. Marahil mga kalaro ni Tirso nung panahong yon.
Umiikot sila sa ilang lugar para maglaro ng mga exhibition game.
Batid ng marami na mahilig talaga ang naging hepe ng Film Development Council of the Phils sa sport na ito at sumasali pa rin sa Star Olympics hanggang kaya pa.
***
Nais natin iklaro ang total match ni Alex Eala sa 2026 WTA Tour.
May kabuuan siyang 56 na pinakamataas ang bilang.
Ika-57 na niya ang W vs Elena Ruse sa Cincinnati Open
Lamang pa siya kina Jessica Pegula at Elina Svitolina na nagtala lang ng tig-51. Ang dalawa ay tinalo na ng ating tennis star.
Sa isang panayam ay inamin ng 21 años na Pinay na tuwang tuwa siya sa isa tagahanga na nagsuot ng inflatable alligator. Kaaliw daw.
Kami rin enjoy sa kanya.
***
Kasama pa rin ang LA Lakers sa apat na team na may pinakamaraming nationally- televised game sa bagong season ng NBA.
Ibig sabihin kahit wala na si LeBron James ay malaki pa rin ang tiiwala ng liga sa dami at lawak ng fan base nila.
Ang tatlo pang team ay ang defending champ na Knicks, runner up na Spurs at ang nilipatan ni LBJ na 76ers.
Tig-34 na laro sila.