Advertisers
ABOT kamay na ni Alex Eala ang Eastbourne Open finals ng ma- book ang semis slot matapos idispatsa si Dayana Yastremska sa quarterfinals, 6-1, 6-2, ng naturang tournament Huwebes ng gabi.
Sa simifinals, makakaharap ni Eala ang pamilyar na kalaban si Varvara Gracheva ng France.
Gracheva ay kasalukuyang ranked No.111 ng Women’s Tennis Association, bagamat ang 24-year old player ay naabot ang career-high ranking na no. 39 noong Enero nakaraang taon. samantala si Eala, ay kasalukuyang ranked 74.
Eala at Gracheva ay nag faced off nakaraang dalawang Linggo sa first round ng Nottingham Open qualifiers kung saan ginapi ng Filipina ang huli, 6-3, 3-6, 6-3.
Gracheva ang pinakamatangkad na player sa 5-foot-10, habang si Eala ay 5-foot-9. Eala ay left-handed habang si Gracheva ay right-handed player.