Advertisers

Advertisers

Salonga’t Mavs!

0 14

Advertisers

Ano kaugnayan ng Dallas Mavericks at ng yumaong Senate President Jovito R. Salonga? Nakadikit ang numero uno sa kanila.

Si Sen Salonga tatlong beses nag-topnotcher sa halalan sa Senado. Ito ay noong 1965, 1971 at 1987.Tanging kagawad ng Mataas ng Kapulungan na nakagawa ng ganito.

Ang Mavs naman may tatlong No. 1 pick sa kanilang first five sa parating na season. Ito sina Kyrie Irving (2011), Anthony Davis (2012) at ngayong draft nang masungkit nilang rookie ay si Cooper Flagg, ang over-all top choice. Ibang team kumuha sa unang dalawa pero bahagi na sila ng Dallas. Hayun sama-sama na silang tatlo.



Nitong Lunggo ay ginunita natin ang ika-105 ng kapanganakan ni Ka Jovy sa Pasig. May pinasinayanan na bust ni JRS sa Rizal High School kung saan siya nag-aral. Nandoon sa eskwelahan ang pamilya at mga opisyales ng lungsod at haiskul.

Ang 3x na nanguna sa eleksyon sa Upper House ay nakulong ng panahon ng Hapon at pinamunuan ang pagtatapos ng mga base militar ng Estados Unidos.



Siya rin ang taga-pangulo ng Presidential Commission on Good Goverment na nakabawi ng mga ilang ninakaw na yaman ng mga Marcos.

Dahil sa kanyang mga nagawa para sa bayan ay itinuturing siyang statesman at patriot.



***

Ang Boston Celtics ang may pinakamaraming korona (18) sa NBA at pangalawa ang kanilang karibal na LA Lakers (17). Pero may sampu pang koponan ang walang titulo ni isa.

Ang mga prangkisa na hindi pa pinapalad ay ang Brooklyn Nets, Charlotte Hornets, indiana Pacers, LA Clippers, Memphis Grizzlies Minnesota Timberwolves, New Orleans Pelicans, Orlando Magic, Phoenix Suns at Utah Jazz.

Ang Pacers muntik na mawala sa talaang ito nguni’t minalas sila sa Game 7 ng Finals nila ng OKC.

***

Buhay pa pag-asa ng TNT Tropang 5G para sa isang grandslam ngayong 49th season.

Nakalusot sila sa Magnolia sa quarter-finals kahit may twice to win na disadvantage. Panalo pa sila sa Game 1 vs ROS sa semis.

Naniniwala si Coach Reyes na kakayanin nila mapabilang sa hanay ng Crispa, San Miguel Beer, Alaska at Magnolia (San Mig Coffee)

Mga koponan na pinakyaw ang mga kampeonato sa isang taon.