Advertisers

Advertisers

Dingdong badtrip sa taping ng ‘Family Feud’; Dustin nagselos kay Will dahil kay Bianca

0 47

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

INAMIN ni Dustin Yu na nakaramdam siya noon ng selos sa kapwa aktor na si Will Ashley.

Ito ay noong mga panahong hindi pa malinaw sa kanya kung ano ba talaga ang real score sa pagitan ni Will at ng kanyang ka-duo na si Bianca de Vera, na aminado siyang mahal niya ang dalaga.

Sa kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong nga si Dustin ni Kuya Boy kung nakaramdam ba siya ng selos kay Will.

Pagpapakatotoong sagot ni Dustin,”‘Nung hindi pa sa’kin clear ‘yung ano man ‘yung meron sila sa past, ‘yung medyo magulo pa, of course, yeah nagselos ako, naguguluhan ako Tito Boy.”

Ngunit kalaunan daw ay na-realize niya na wala naman pala siyang dapat ikaselos matapos niyang makausap sina Bianca at Will.

“Nung nag-usap na kami ni Will and nag-usap na rin kami ni Bianca na wala naman ako dapat pagselosan or intindihin or isipin or i-worry, of course hindi ko na ‘yun pinairal, naintindihan ko na ‘yun,” aniya pa.

Matatandaang noong May ay nagkausap na sina Bianca at Will kung saan nagkasundo sila na piliin ang isa’t isa para maging duo upang maibalik ang closeness nilang dalawa noong nasa outside world pa matapos magkatrabaho sa seryeng Unbreak My Heart.

Tila hindi naging ok ang mga narinig ni Dustin dahil noong mga panahon na ‘yun ay vocal na siya kay Bianca tungkol sa nararamdaman.

Eventually ay napag-usapan naman na nina Dustin at Bianca ang kanilang sitwasyon at mas naintindihan ang bawat isa.

***

VIRAL ang kuha sa isang Facebook video kung saan ay napansin ng ilang netizens ang tila pagiging inis daw ni Dingdong Dantes matapos ang taping ng game show ng GMA 7 na Family Feud, na ang mister ni Marian Rivera ang host.

Mapapanood na after umalis sa stage ang actor-TV host ay busangot ang mukha habang iniwan ang index card, na nakasulat ang spiel niya, sa isang table

Matapos naman ang pag-alis ni Dingdong, makikita rin sa video si Alden Richards na masayang nakikipag-usap sa ilang tao sa stage.

Tanong ng netizens, bakit mukhang wala nga sa mood si Dingdong at mukha ngang inis ito? Narito ang iba’t ibang take ng mga netizen kaugnay sa video:

“Parang d masaya si dingdong umalis agad.”

“Bakit nag walk out c dingdong? Baka walang pumapansin di tulad ni alden dami gusto makipag picturan.”

“Bakit parang badtrip c dong.”

Kapag nakarating ang intrigang ito kay Dingdong, siguradong may paliwanag siya tungkol dito.