Advertisers
Ni Jimi C. Escala
AYON sa isang kakilala at may konek kay Gretchen Barretto palagay daw niya ay hindi magsasalita si La Greta tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya kung saan itinuro siyang kasabwat daw ni Atong Ang sa nawawalang mga sabungero, huh!
Kagaya rin ng aktres na si Sunshine Cruz na karelasyon ngayon ng negosyanteng si Atong ay mas pinili ni Shine na manahimik.
Sinasabing nost wanted sa kasalukuyan si Gretchen kaya naman super trending ang semi retired actress, huh!
May mga kumukumbinsi na nga sa former actress na magsalita at isiwalat ang mga nalalaman niya sa pagkakasangkot umano ng negosyanteng si Atong sa kaso ng 34 na nawawalang sabungero.
Hindi naman kaila sa lahat na naging extra close sina Gretchen at Atong huh!
Ikinanta na nga ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, na umano nga’y may kaugnayan si La Greta sa kaso.
Lagi raw magkasama ang dalawa at alam daw ng dating aktres ang mga sikreto ng negosyante na karelasyon ngayon ni Sunshine.
Itinanggi na at sinampahan ng kasong kriminal ni Atong ang nagsiwalat ng balita laban sa kanila noong Martes sa Mandaluyong Prosecutor’s Office.
Matagal nang hindi aktibo sa social media si La Greta pero nakikita siya sa mga post ng kanyang make-up artist o stylist.
Lets wait and see na lang kung saan hahantong ang kontrobersiyang ito na kung saan nakialam na rin si PBBM, huh!
***
MARAMI ang natuwa at na-touch sa ginawa ni Ivana Alawi na pagsa-shopping blowout sa anak ni Katrina Halili na si Katie na uploaded sa kanyang vlog at may pamagat na Can’t Say No Challenge with Katie.
Hindi naman ganun ka close si Ivana kay Katrina. Nakilala lamang niya ang aktres dahil sa kapatid niyang si Mona. Nagkasama ang dalawa sa isang project.
Sey pa ni Ivana na humanga raw siya kay Katrina, lalo na sa pagiging single mom kaya naman na-excite raw siyang makilala ang mag-ina, huh!
“Wala lang, gusto ko lang reward-an ‘yung bata kasi ang bait-bait, nakapaka-sweet na bata. (Si) Miss Katrina Halili siyempre, gusto ko siyang makausap, napakagaling na nanay at artista,” sey pa ni Ivana.
Niyaya niya sa isang mall ang mga ito at talagang spend to the max si Ivana para sa mga laruan at iPhone plus candies para sa anak ni Katrina na meron palang AST (autism spectrum disorder).
Sey pa ni Katrina, two years old si Katie nang ma-diagnose ng AST at sumailalim sa therapy.
Samantala, walang paki si Ivana sa mga nagmalisya sa closeness nila.
Parang intentional daw kasi ang pagpo-post ng natalong pulitiko para pag-usapan.
Walang naging confirmation noon from Ivana at kahit sa dating pulitiko na naging sila kahit may mga nagsasabi na naging magkarelasyon talaga sila, huh!