Advertisers
Ni Archie Liao
PINAG-uusapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay ang naging pralala ni Vice Ganda sa kanyang X social media account.
Pinuri kasi niya ang tandem na ShukLa nina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman sa co-hosting chores ng duo sa “It’s Showtime.”
May back story pa siya na napilit lang niya ang dalawa na maging co-hosts ng kanyang programa.
Aniya: “Super random ng guesting nila today. Nag-iisip ako ng ganap kahapon para sa ep today then pagbukas ko ng pinto ng dr ko andun sila. Agad agad kinuha ko sila ng pwersahan. Wala silang nagawa. Lolzzz! Thanks ShuKla!”
Pinaulanan din niya ng praises ang duo sa naging performance nila sa show.
” Shukla did well as cohosts today in It’s Showtime. Di sinayang ang moment. Congrats and thanks girls!!!, “sey ni Meme.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang vocal na admiration niya sa duo sa kibitzers.
Hirit ng iba, may pamalit na raw si Meme kina MC at Lassy.
Ito ang ilan sa kanilang sey.
“So, may anointed na si Meme na ipalit kina MC at Lassy.”
“Actually, bagay ang energy ng ShukLa sa show.”
“Sana gawin na silang regular.”
“May pagtritripan na naman si Meme.”
” Di na ba babalik sina MC at Lassy sa Showtime?”
“Medyo kabado pa sila pero feeling ko masasanay din sila.”
“Parang di pang-Showtime si Shuvee. Di ba, regular siya sa Unang Hirit?”
***
MORE than two years na nag-lie low muna si Andrea Torres sa showbiz.
Huling teleserye na ginawa niya sa GMA-7 ay ang “Love Before Sunrise” na nakasama niya sina Bea Alonzo at Dennis Trillo.
Sa panahong iyon, nagpokus daw siya sa pagnenegosyo.
Nag-enrol din daw siya sa acting workshops para mapalawak pa ang kanyang craft bilang aktres.
Kaya naman nang i-offer sa kanya ang papel ng tahong farmer sa teleseryeng “Akusada” ay sobra raw siyang na-excite.
Katunayan, nag-obserba raw talaga siya sa buhay ng mga magtatahong at nag-aral ng pagsisid bilang paghahanda sa kanyang role sa nasabing serye.
Bagama’t sumagi raw sa isip niya noon na mag-quit sa showbiz dahil sa mga kinasangkutang kontrobersya, nananaig pa rin daw ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho.
Besides, passion daw talaga niya ang pag-arte.
Sa pagsalang niya sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin din niya na single siya sa kasalukuyan.
May mga nirereto raw naman sa kanya ang kanyang mga kaibigan at lumalabas siya on dates.
Gayunpaman, wala pa raw talaga siyang nakikitang lalakeng magpapatibok muli sa kanyang puso.
Aminado naman siyang naapektuhan din siya sa naging kapalaran ng kanyang last relationship kaya maingat na siya this time.
Ayaw din daw niyang ipilit sa sarili ang pagkakaroon ng dyowa dahil naniniwala siyang darating ito sa takdang panahon kahit hindi niya inaasahan.
Hinggil sa kanyang future love life, naghahanap daw siya ng spark o kilig sa isang lalake na so far ay hindi pa niya nararamdaman.
Hindi rin daw naman siya iyong tipong madaling magpalit ng nobyo dahil umaabot halos ng tatlo o higit pa bago siya muling mag-commit sa susunod na karelasyon.
Si Andrea ay huling nakarelasyon ni Derek Ramsay noong 2019 at nag-break sila noong 2020.