Advertisers

Advertisers

Postponement ng Brgy. at SK elections susuriin ni PBBM

0 9

Advertisers

PAG-AARALAN ng husto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na ipagpaliban ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Pahayag ito ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, at dinagdag niya na isa rin sa pag-aaralan ni Marcos ay ang bagong termino ng mga opisyal ng barangay at kabataan.

Ani Castro, hindi pa natanggap ng punong ehekutibo ang panukala.



“Kapag po natanggap na po, pag-aaralan po iyang mabuti para po mapirmahan kung dapat mapirmahan, aayunan kung dapat sang-ayunan,” ayon kay Castro.

Sa darating na Disyembre nakatakdang isagawa ang eleksyon, ngunit sa panukala ng Senado at Kamara, gagawin ang eleksyon sa Nobyembre sa susunod na taon at magiging apat na taon ang termino ng mga barangay official.