Advertisers

Advertisers

Missing sabungeros pinatay sa slaughterhouse malapit sa fishpond sa Laurel, Batangas – alyas Totoy

0 36

Advertisers

ISINIWALAT ni Julie Patidongan alyas Totoy na kinidnap at pinatay umano ang mga sabungero sa isang slaughterhouse malapit sa palaisdaan sa Laurel, Batangas.

Sinabi ni Patidongan, ang iba pang biktima na kasama sa game fixing ay itinapon sa Taal Lake.

Nauna nang ibinunyag ni Patidongan na nilagyan ng bato ang sandbag ng mga bangkay ng mga sabungero para hindi lumutang at manatili na lamang sa ilalim ng lawa.



Ayon kay Patidongan, ilan sa mga pulis na sangkot sa kaso ang gustong magsalita tungkol sa kanilang nalalaman at handa silang makipagtulungan sa mga awtoridad.

Tinawag niyang lieutenant colonel si Vito na nagsilbing team leader na binabayaran umano ng P2 milyon kada buwan para sa kanyang tungkulin.



Ngayong Lunes, Hulyo 14, maghahain ng kanyang official affidavit si Patidongan kaugnay ng nawawalang kaso ng mga sabungero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">