Advertisers

Advertisers

NBI kumilos sa pambubukol ni Paul Tangkad sa illegal na online sabong!

0 134

Advertisers

IPINATAWAG ang inyong lingkod mga Ka Usapang HAUZ sa National Bureau of Investigation (NBI) Internal Affairs Bureau dyan sa Cyber Zone building sa Lungsod ng Pasay.

Ito’y dahil sa ginawa nating expose’ patungkol sa nagpapakilalang bagman ng NBI na si Paul Tangkad.

Natural sa umpisa’y nakaramdam tayo ng kaunting takot at pangamba yung tila ba nagdadalawang isip kung aakyat ba o hindi sa ika-siyam na palapag ng gusali.

Napaisip agad tayo kung libelous ba iyong sinulat natin o hindi!

Pero nang balikan ko muli ang ating artikulo, sigurado akong walang malisya sa ating istorya at layunin lamang natin ipaalam kay NBI chief Jimmy Santiago na may isang hunghang na empleyado ng kagawaran ang gumagamit sa kanyang pangalan.

Kaya nga lakas-loob tayong nagpunta sa NBI para paunlakan ang kanilang ‘imbestigasyon.’

In fairness, napakabait ni Atty. Irvin Garcia, deputy chief of staff at siya ring hepe ng NBI-Internal Affairs Division. Pati na rin iyong dalawang imbestigador na nag-interview sa akin.

Ang pinakabuod ng istorya ay tinanong sa atin ang tunay na pangalan ni Paul Tangkad at inusisa rin kung sino ang ating source.

Naturalemente, hindi natin ‘ikinanta’ ang ating source dahil karapatan naming hindi sabihin ito at tungkulin namin na pangalagaan ang kanyang seguridad.

Ang sumatutal na kuwento sa pagpasyal natin sa NBI ay kahit papano kumikilos na sila para hubaran ng maskara si Paul Tangkad, Yatap kang Bata ka.

Sa ganang akin, sa halip dapat na ipatawag kaming mamamahayag ay higit na magsagawa pa ng mas malalimang imbestigasyon ang NBI.

Ang pangit kasi tingnan na parang ini-intimidate n’yo kaming media at parang paraan ito ng harassment bagaman uulit-ulitin ko, mababait, matitino at sobrang professional ang mga NBI agents na nag-asikaso sa akin, sa katunayan pinag kanaw pa tayo ng isang puswelo ng kape.

Mas magandang gawin ng NBI ay gamitin ang kanilang galing, kaalaman at resources para malaman ang buo pang kabulastugan ni Paul Tangkad.

Hindi tayo naniniwala na hindi nila killala si Paul TAngkad at lalong hindi tayo aprubado na hindi nila alam ang katarantaduhan ng mamang ito.

Kaya nga kayo NBI kasi magagaling kayong mag-imbestiga, kayo ang puntahan ng mga taong bayan na nais luminaw ang imbestigasyon ng kanilang kaanak na suntok sa buwan ang ikalilinaw ng kaso.

Kaya mga Ka Usapang HAUZ ang kasabihan ang isang Usok ay hindi Sisingaw kung walang Apoy!

Si Paul Tangkad ay nagpapakilalang miyembro ng Special TAsk Force (STF) at may koleksiyon weekly na P2 million mula sa illegal na e-sabong at illegal na POGO operations.

Ang mga kolektor nito ay sina Alyas Limuel, Noel Taba, Jack Tarlac at Alias Datu.

Ang catch dito, ibinibigay daw ni Paul Tangkad ang kanyang koleksiyon sa payola sa isang alyas Taba naman na diumano’y kamag-anak ng isang mataas na opisyal ng NBI.

Kamakailan ay dalawang opisyal ng NBI ang binulyawan sa flag raising ceremony dahil lamang sa ‘tsismis’ na naninira raw ang mga ito sa imahe ng isa pang opisyal.

Bakit sa kapwa opisyal madaling magalit, eh bakit sa katulad ni Paul Tangkad na isang ‘job order’ ang pinanghahawakang papel ay hindi makuhang magalit?

Ibig bang sabihin nito, may ‘Clerance,’ basbas at go-signal ang pangunguha nito ng payola?

Muli mga Ka Usapang HAUZ nagtatanong lang po!

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036