Advertisers

Advertisers

After SEA Games… JULIANA TARGET MAGING OLYMPIAN

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAGKASAMA ang mag-amang Richard at Juliana Gomez sa SEA Games na gaganapin sa Thailand sa darating na Disyembre.

Kaya matutupad na ang matagal na pangarap ni Juliana na maging kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng fencing sa darating na Southeast Asian Games sa Disyembre!

Doble ang saya ni Juliana dahil makakasama niya ang ama na isa rin sa mga lalahok sa SEA Games.

Ang anak ng mag-asawang Lucy Torres at Richard ang kinatawan ng bansa sa Women’s Epee National Team for the upcoming SEA Games in Thailand this December.

Ano ba ang feelings ni Juliana sa bago niyang achievement as a national fencer?

“I feel an enormous sense of pride in being able to represent the Philippines in the upcoming SEA Games. I’ve always known about this competition because my dad was a national team member for the Philippine fencing team for many years. Like any other national athlete, I want nothing more than to showcase the best that Philippine fencing has to offer.”

Pagbabahagi pa niya, “My journey to make it to the national team started in 2020. I fell short of a spot in the past four qualifying seasons. That being said, I’ve been trying to make the team for a few years now, so my training since 2020 has never really stopped. Being part of the national team was always the goal for me, as a spot on the team allows you to compete in fencing’s biggest competitions.”

Her perseverance finally paid off, and now she’s aiming for nothing less than the best that could bring Filipino pride to kababayans across the globe.

“Contributing to the medal count would be good,” she noted, “but what I truly want is to win gold for the country.”

Hindi nagtatapos ang ambisyon ni Juliana sa SEA Games dahil may goal pa rin siyang inaasam, ang maging isang Olympian.

“Of course! That will always be my goal. I intend to one day make it to the Olympics together with my teammates,” deklara niya.

***

DOM AT SUE ROAD TO FOREVER

MULI na namang nagpakilig sa netizens ang road trip ng magdyowang Sue Ramirez at Dominic Roque.

Flinex ng actor ang road trip nila ni Sue sa kanyang Instagram Story.

Tinanong ng aktor si Sue, “San tayo punta” habang nakaangkas ang aktres.

Walang pag-aatubiling sagot ng girlfriend, “Hanggang maubos natin lahat ng kalsada.”

Dahil dito, maraming netizens ang talaga namang napasabi ng “sana all” sa comment section.

Ibinahagi rin ni Sue sa kanyang opisyal na Instagram page ang ilang mga larawan at video mula sa kanilang masayang road trip na talagang nag-viral online.

Base sa mga post ni Sue at pati na rin sa kanyang geotag, tila nagpunta ang couple sa Baguio, kung saan sila ay kumain ng masasarap na pagkain at nag-enjoy sa piling ng isa’t isa.

Sa comment section ng parehong post, maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta at good vibes para kina Sue at Dominic.

Ang ilan ay nagsabing bagay na bagay talaga ang dalawa, habang ang ibang netizens nama’y umaasang ‘road to forever’ na nga ang relasyon ng dalawa. “Basta ako, ito na ang forever love team ko,” aniya pa nga ng isang netizen sa comment section.

***

GERARD MULING NABIKTIMA NG BELL’S PALSY PAGKATAPOS NG DALAWANG DEKADA

MULI na namang dumaan sa pagsubok ang aktor na si Gerard Pizarras dahil bumalik ang Bell’s Palsy niya matapos ang 21 taon.

Tinamaan muli ang aktor makalipas ang dalawang dekada nang una niya itong naranasan.

Ayon kay Jan Marini, agad na sumailalim sa iba’t ibang therapy si Gerard gaya ng acupuncture, chiropractic care, at hyperbaric treatment para sa mabilisang paggaling.

Sa loob lamang ng 21 araw ay tuluyang naka-recover si Gerard, dahilan para purihin ni Jan ang Diyos at ang mga tumulong sa kanilang pribadong laban.

Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga doktor, wellness centers, at mga kaibigan na nagpadala ng natural remedies at nagbigay ng suporta sa gitna ng pagsubok.

Sa post ng aktres, taos-puso siyang nagpapasalamat sa iba’t ibang health professionals na tumulong sa treatment journey ni Gerard.

Malaki rin ang naging papel ng Doc Rob’s Chiropractic na pinamumunuan nina Rob Walcher at aktres na si Patricia Javier.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita nina Jan ar Gerard ang tibay ng kanilang pagsasama sa harap ng mga pagsubok.