Advertisers
Ni Archie Liao
MARAMI ang naintriga sa pa-teaser ng Eat Bulaga tungkol sa upcoming segment ng kanilang show.
May catchline itong : “Naniniwala ka ba sa forever?”
Dahil diyan, nagkaroon ng espekulasyon na muling mabubuhay ang kalyeserye ng nasabing longest running noontime show na naging popular ten years ago.
Hirit pa ng kibitzers, bubuhayin daw ng EAT Bulaga ang AlDub phenomenon kung saan naging bukambibig ng sambayanan ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Matatandaang gumawa ng kasaysayan sa TV at social media ang kanilang “tamang panahon” special episode na ginanap sa Philippine arena noong 2015.
Katunayan, ipinanganak din dito ang napakalaki nilang following kung saan hanggang sa kasalukuyan ay may mga delulu pang naniniwalang meant to be sina Alden at Maine.
Recently naman sa special appearances ng magdyowang Julia Barretto at Gerald Anderson sa show, nagpasabog naman sila ng kilig vibes.
Dahil dito, may maugong na balitang sila ang papalit sa AlDub na gumawa ng ingay ang televised na romansa.
May iba namang nag-opinyong baka muling ipalabas ang nasabing kalyeserye since nabawi na ng show ang rights sa TAPE.
Ito naman ang hirit ng kibitzers sa nasabing pa-teaser ng nabanggit na noontime show.
“Baka jurald yan”
“may dimples din daw kasi si julia”
“Hahah kalurkey pwede naman Ipasok din nila si Budoy”
“Baka nabawi lang nila yung mga videos ng Kalyeserye lol dahil nung nagka-issue sila ng TAPE, deleted lahat ng YouTube videos ng Kalyeserye since TAPE owned the rights to that as part of the old Eat Bulaga”
“This sounds like the most plausible answer. Pwede rin nila iplay ang old AlDub videos tapos commentary. Kasi bakit may mention ng secrets will be revealed.”
“Parang masayang podcast yan ah pero gusto ko Maine Alden magkkwento with Jowapao haha”
“Oh! Tama. nawala yung mga videos nila since nawala rin yung account na yun yata.”
“Aling Mila para sayo to”
“Yung three lolas talaga”
“Sana JuDoy na lang”