Advertisers

Advertisers

SHARON AMINADO, DI PA.SOLIDO ANG RELASYON KAY KC; MOCHA INIUPO NA NI YORME

0 36

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

PINANOOD namin ang interview kay Megastar Sharon Cuneta ng “Beyond The Exchange” hosted by Rico Hizon na ipinapalabas sa ANC.

Inamin ni Sharon sa naturang interbyu na sa ngayon daw ay maayos ang relasyon nila ng panganay niyang si KC Concepcion.

Banggit pa ni Ate Shawie ay bising bisi raw ang anak niya sa itinayong jewelry business, huh!

“KC’s okay. She’s now quietly focusing on her jewelry business. She studied at the Gemological Institute of America to really learn the craft—on top of her business degree.
“She still wants to do projects in entertainment, but it’s not her top priority anymore,” banggit pa ng Megastar.

Aminado pa rin si Sharon na hindi pa raw ganun ka-solido ang relasyon nila ng anak niyang si KC.

May mga misunderstanding pa rin daw sila.

“I don’t think it’s ever been less than solid. There have just been misunderstandings and disagreements along the way. You’re raising a human being, not a carbon copy of yourself. You can’t expect her to have your exact thoughts or choices. But she’s a good kid. We’ve had clashes, yes, but KC always tells me, ‘Mom, just trust in the way you raised me.’ And that always gives me peace,” pag amin pa ng premyadong aktres.
***
ISA sa mga artistang hindi pinalad na manalo nung katatapos na eleksiyon ay ang sexy star/singer na si Mocha Uson.

Tumakbong kunsehal sa ikatlong distrito ng Maynila si Mocha under sa partido ng nagbalik-Manila Mayor na si Mayor Isko Moreno.

Pero nabigo mang maging kunsehala ay magsisilbi pa rin sa Maynila si Mocha.

Just recently ay ibinalita mismo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagtatalaga niya sa TV at social media personality na si Mocha bilang tagapaghatid ng balita sa pinamumunuan niyang lungsod.

Pormal na inanunsjyo ni Yorme sa Facebook post niya last Friday July 11, na regular na niyang makakasama si Mocha sa kanyang programang “Yorme’s Hour” tuwing Biyernes.

“Makakasama na natin si Mocha Uson sa Yorme’s Hour tuwing Biyernes upang maghatid ng mga kaganapan at balita tungkol sa minamahal nating Lungsod ng Maynila,” sey pa ng pinakasikat na mayor sa Maynila.

Banggit pa ni Yorme na ang programa niyang ito ang magsisilbing tulay para maihatid nang maayos sa lahat ng taga Maynila ang mga programang gusto niyang ma implement sa siyudad ng Maynila.

“Ito ay isang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Manila Public Information Office (MPIO), alinsunod sa pinirmahan nating Executive Order No. 7: ‘An Order Mandating the Adoption of an Open Governance Policy,“ lahad pa ni Mayor Isko.

Samantala, hindi umubra ang sipag ng pangangampanya ni Mocha sa mga taga district 3 at kahit kabilang siya sa Yormes Choice ay kinulang ang boto niya para mapabilang sa anim na nanalong kunsehal. Kasama rin niyang hindi pinalad ang kapatid ng natalo ring vice mayor Yul Servo na si dating kunsehal Apple Nieto na tumakbo namang kongresista, huh!
Hindi rin matatawag na baguhan sa pulitika, dati nang nagsilbi bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha, huh!
***
SPEAKING of pulitika, ito ang tema ngayon kaya lalon tinututukan at gumaganda ang “Batang Quiapo” ni Coco Martin.

Kaya walang dudang ang serye pa ring ito ang Most Watched among the Primetime Shows sa Pilipinas, huh!

Dito lang sa amin sa Tondo, lahat halos ng mga kapitbahay namin ay tutok na tutok sa mga kaganapan sa buhay ni Tanggol huh!

Sa totoo lang din naman kahit anong programa ang itapat sa BQ ay tiklop, huh!

Ang latest ay itong “Sang’re” na balitang nag last taping na raw at hindi pa alam kung magre- resume pa ito, huh!

Balita pa sa amin ng isang kaibigang GMA insider na ang pinaplanong programa na “Hari ng Tondo” ang itatapat daw sa “Batang Quiapo”, huh!

So, Quiapo vs. Tondo na parehong nasa Maynila na pinamumunuan ni Yorme Isko, huh!

Balitang si Ruru Madrid daw ang magiging bida ng “ Hari ng Tondo, huh!

Minsan na ring tinalo ni Coco ang Lolong noon ni Ruru, huh!

Pero ngayon daw ay paghahandaan at mas pagagandahin nang husto ang itatapat nila sa BQ.

Ayon pa sa source namin ay isa si Dingdong Dantes sa makakasama ni Ruru sa Hari ng Tondo, huh!

Sa totoo lang mas bagay talaga kay Ruru na gamay na ang aksyon maging Tondo Boy, huh!

Fina-finalize na raw ngayon ang casting ng makakasama pa rin daw ang isang sikat na senior star, huh!