Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAKATUTUWA naman si Xian Lim. Hindi lang kasi siya nagsilbing host sa Mutya ng South Cotabato 2025, kundi naging isa rin siyang water boy.
Sa question and answer portion kasi ng nasabing beauty contest, nang tanungin na ng co-host ni Xian na si Angelee delos Reyes si candidate number 10, na si Mary Ganaba, kung ready na ba itong sumagot sa kanilang katanungan, ang sabi nito, “To tell you honestly, I am not ready because I have a dry cough. And I’ve been standing here since the awarding. So kakapalan ko na po ang mukha ko, can I ask a drink of water please? Water lang po, please!”
Pagkarinig ng sinabing ‘yun ni Mary, agad na umalis sa stage si Xian, at pumunta ng back stage para manghingi ng water na ibibigay sa dalaga. Talagang hindi niya inisip na isa siyang host, na dapat ang mga taong involved sa beauty contest ang maghahanap ng water para kay Mary, imbes na siya.
Nang bumalik ng stage, walang nakuhang water si Xian. Mabuti na lang, may isa sa audience ang nag-abot ng bottled water sa kanya, na ibinigay niya kay Mary.
Sa effort na ginawa ni Xian, na nagmistula siyang water boy, marami ang humanga sa kanya, na isa rin kami. nang mapanood ang video.
Sabi nga ng isang nag-comment, ang gwapo naman ng water boy ni Mary.
O di ba, walang pakialam si Xian kahit pa nagmistula siyang water boy? Kahanga-hanga naman talaga siya.
***
NAGPAALAM na ang karakter ni Camille Prats bilang si Olive Caparas sa afternoon series ng GMA 7 na Mommy Dearest, na matatapos na ngayong linggo.
Okey lang kay Camille na hindi na siya mapapanood sa nasabing serye dahil mas gusto niyang bigyan ng oras ang kanyang pamilya.
May dalawang anak si Camille sa asawang si VJ Yambao – sina Nala at Nolan. Bukod dito, may anak din siyang lalaki sa yumaong husband na si Anthony Linsangan, si Nathan.
Sa kanyang Instagram page, ipinakita ni Camille ang ilang BTS o behind-the-scenes video at mga litrato na kuha sa set ng Mommy Dearest, kalakip ang kanyang mensahe para sa lahat ng sumubaybay sa programa.
“When GMA offered me this role, it wasn’t a difficult decision to make. What I didn’t realize was how much I had been longing–as an actress–to take on a character different from the ones I usually portray: the kind-hearted, often oppressed protagonist,” simulang caption ni Camille.
Patuloy pa ng aktres, “Playing Olive breathed new life into my passion for acting. I’m truly grateful to have explored this different side of my creativity.”
Pinasalamatan din niya si Direk Gina Alajar, sa walang sawa nitong paggabay sa kanya upang mas mabigyan ng justice ang role ni Olive.
“A heartfelt thank you to direk @ginalajar for laying the foundation of this character and for your steady guidance, especially during our early taping days.”
Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga kasamahan niya sa serye kabilang na sina Katrina Halili, Dion Ignacio at Shayne Sava.