Advertisers
Ni TIMMY BASIL
VIRAL na naman ngayon si Dina Bonnevie habang iniinterview siya ng press at nabanggit niya na nahihirapan na siyang kumilala ng mga baguhang artista lalo na ang mga babae dahil halos magkakamukha nang lahat.
“Ang babata pa nila pero mga retokada na,” sambit ni Dina.
Nahihirapan siya dahil halimbawa may bebeso sa kanyang baguhan, tapos may bebeso uli pero tingin niya parehong tao lang yun. Di ba Siya yung kanina,” Tanong niya sa kanyang PA. ‘Hindi Maam , iba po yun, sagot naman nito.
Pare-pareho na raw kasi sila ng jaw line, cheeckbone, lips, etc kaya feeling ni Dina, iisa lang ang doctor nila.
I feel you Dina, hirap din akong maka distinguish ngayon ng mga baguhang artistang babae unlike noon sa batch nila na iba-iba sila ng beauty, natatandaan mo talaga ang mga mukha.
Iba ang beauty nina Dina, Maricel, Snooky, Lani, Gretchen, Nadia, Alma, Lorna, Rio, Amy, Hilda, Elizabeth, maski sa mga sexy stars noon, iba-iba rin sila ng mukha.
***
GRADE 6 LANG ANG INABOT NI DULCE
DALAWANG beses ko nang napanood SI Dulce na ikinuwento na sinasaktan siya ng kanyang ina at kinukulam pa noong siya ay bata pa. Una ay sa vlog ni Julius Babao at ngayon ay sa vlog ni Luchi Cruz Valdez.
Kawawa ang childhood ni Dulce but since may talent siya, nagawa niyang makawala sa malupit niyang Ina at hinanap ang kanyang KAPALARAN sa Manila bilang singer.
Hindi rin naging maganda ang love life ni Dulce at naghiwalay din sila ng huling lalaking kanyang pinakasalan. Nagduda raw siya sa kung ano ba ang ginagawa ng kanyang mister dahil nung tingnan niya ang mga bank book nito ay milyun milyon daw ang laman.
Sabi pa ni Dulce “na cancelled” siya nang kumampanya siya noon for BBM. Maraming shows ang nawala sa kanya, worse …pati pamilya niya.
Naghiwalay sila ng asawa nya na ilang libo lang ang laman ng kanyang wallet
At sa kauna unahang pagkakataon, isiniwalat niya na grade six lang ang natapos niya.
Anyway, visible naman ngayon SI Dulce . Kahit na cancelled eh may mga nagtitiwala pa rin sa kanya at nakikita natin ito sa kanyang social media account