Advertisers

Advertisers

TOLLWAY OPERATORS NAPAGBUBUNTUNAN SA PAGBAHA NG MGA KAKALSADAHAN?

0 2,253

Advertisers

Sa tuwing nagkakaroon ng mga PAGBAHA ay kani-kaniyang turuan at sisihan ang iba’t ibang government agencies maging ang mga local government units (LGU’s) gayong ang mga ito ay may nakalaang pondo upang solusyunan ang epekto ng kalamidad.., subalit ang mga expressway management o TOLLWAY OPERATORS pa ang napagbubuntunan ng sisi sa tuwing nababalam ang mga motoristang natetengga sa mga PAGBAHA.

Nitong mga nagdaang araw na halos walang tigil ang naging pagbuhos ng ulan ay napagbuntunan ng sisi ng ilang government officials at ng mga motorista ang TOLLWAY OPERATORS o ang tulad sa pangasiwaan ng NORTH LUZON EXPRESSWAY (NLEX) dahil hindi madaanan ng mga sasakyan dulot ng malalim na pagbaha ng tubig sa kakalsadahan.

Ganunpaman ay hindi lamang NLEX ang dumanas ng matinding pagbaha kundi halos lahat ng EXPRESSWAY tulad ng SLEX, TPLEX, CAVITEX, EDSA, QUEZON AVENUE, COMMONWEALTH AVENUE at iba pang mga kakalsadahan ay hindi nadaanan ng mga motorista.., na ang mga kakalsadahang ito ay tumatalunton sa hurisdiksiyon ng mga LGU’s bukod pa sa MMDA at ang NATIONAL GOVERNMENT na DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) na may multi-bilyong pisong alokasyon para sa.mga proyektong sosulusyon sa mga pagbaha.

Ang mga matinding pagbaha dulot sa mga pag-ulan ay hindi ito kontrolado ng NLEX tulad sa mga pag-apaw ng tubig-baha mula sa mga ILOG, CREEKS na umaapaw sa mga kalsada.., na isang halimbawa nito ay sa PASO DE BLAS, VALENZUELA na ang mga tubig mula sa mga creek ay umapaw hanggang sa expressway; kung saan, kahit hindi na responsibilidad ito ng NLEX ay ginagawa ng management ang pag-asiste sa mga constituent tulad sa pamamahagi ng relief goods at pagpapadeploy ng mga patrol at emergency team para sa pagtulong sa mga naapektuhan ng pagbaha.

“We are implementing immediate measures in response to the recent flooding to ensure the safety of our motorists and to help reduce the risk of similar incidents in the future. We are also working with relevant authorities to explore possible long-term solutions, including our offer to upgrade bridges, adopt and rehabilitate rivers and creeks that traverse NLEX. These initiatives are part of our continued commitment to providing safe and passable expressways, especially during severe weather conditions,” pagpapahayag ni NLEX CORPORATION OFFICER-IN-CHARGE and METRO PACIFIC TOLLWAYS CORPORATION CHIEF FINANCE OFFICER LUIS S. REÑON.

Ang masaklap ay patuloy ang paninisi ng ilang government agencies at tila idinidiin ang pagpukol na paninisi sa TOLLWAY OPERATORS sa halip na ang mga GOVERNMENT OFFICIAL natin ay magtuon na lamang sa mga proyektong tutugon sa magiging solusyon ng mga PAGBAHA sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Ang pagtuturu-turuan ng mga paninisi ay indikasyon lamang ito sa kawalan o kakulangan sa paghahanda ng mga proyektong poprotekta sa mamamayan sa mga panahon ng pagbaha o iba pang mga mapaminsalang kalamidad.., na kinakailangan ngayon ang puspusang pangangalampag ng mamamayan sa ating mga GOVERNMENT OFFICIAL
hinggil sa kanilang kawalan o kakulangan sa wastong pangangasiwa ng kani-kanilang ahensiya sa paghahanda ng mga solusyong kakaharapin sa iba-ibang uri ng mapaminsalang kalamidad sa ating mga lugar.

Kinakailangang magising na sa reyalidad ang mamayan at unang-una riyan ay ang ating GOVERNMENT OFFICIALS na iwasan o itigil na ang pagtuturu-turuan ng mga paninisi at sa halip ay gamitin sa wasto ang mga pondo.., ika nga ay maging sinsero ang ating gobyerno sa pagpuksa ng kurapsiyon upang sa gayong ay magamit ang buong pondong inilaan sa mga makabuluhang proyektong tulad sa mga long-term solutions na poprotekta sa buhay at pangkabuhayan ng buong mamamayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.