Advertisers
Marami ang hindi makapaniwala nitong araw ng Linggo,Hulyo 27,2025 sa Rizal Memorial Staduim sa lungsod ng Manila.
Isang kabaliwang palabas kasi ang nakapangyari!
Isa umanong charity boxing event ang inorganisa para makalikom ng pondo para matulungan ang mga pamilyang nasalanta ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Ang boxing event ay sa pagitan umano nina PNP chief Nicanor Torre III at Davao City acting Mayor Sebastian ” Baste” Duterte.
Hindi sumipot.sa event si Baste Duterte kung kaya’t abut- abot ang pagbida- bida ni Torre sa media na tila natakot umano ang batang Duterte na siya ay labanan sa nasabing boxing event na ‘yun, na ayon pa sa press releases ng PNP at ni Torre,si Baste pa daw umano ang naghamon.
Hindi na natin pa kokontrahin ang version na ito ng kampo ni Torre dahil sa sadyang pagtatapon lamang ito ng oras at sadyang walang kakuwenta- kuwenta topic.
Isa lamang itong propaganda hindi lamang ng PNP kundi ng administrasyong Marcos Jr..
Kung tutuusin, isa, lamang itong diversionary tactic ng gobyerno at ng PNP para mapagtakpan ang dalawang malalaking isyu sa bansa na nangyari.
Una,ang pagiging inutil ng pamahalaan sa pagtugon at pagaksyon sa naganap ng malawakang pagbabaha sanhi ng magkasunod na bagyong Crising at Dante at epekto ng HABAGAT na nagdulot ng malaking perwisyo sa mga mamamayan.
Pangalawa ay ang pagbasura ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na isinulong nang sapilitan ng Kongreso at mga kaalyadong grupo ni Marcos Jr.
Ang purpose ng pag- iingay at gimik na Ito ni Torre at ng buong PNP ay i- divert ang atensyon ng publiko sa dalawang pambansang isyu na binanggit natin.
To lessen the impact ika nga.
Ang pagiging inutil ng kasalukuyang administrasyon para matugunan at masolusyunan ang perennial problem ng pagbabaha.
Hindi sapat na bang sabihin mismo ni Bongbong Marcos na “this is the new normal situation ngayon”?
Sablay na naman,di po ba?
Malinaw na ka- bobohan ito ng mismong Presidente na wala nangg maisip at mahagilap na alibi at palusot sa kanyang pagiging BOBO at inutil na lider.
Pati nga ilang opisyal ng gobyerno ay nagreact sa pahayag na Ito ni Marcos Jr. gaya ng DPWH,MMDA,LGUs,pati na ang private sector at maging ang kilalang urban planner na si Jun Palafox.
Absurb para sa napakaraming eksperto ang irresponsible random statement na Ito ni Bongbong Marcos pero hindi na nating pa hahabaan ang pagtalajay dito.
LAHAT naman batid na ng sambayanang Pilipino.
Going back sa state and PNP led and sponsored charity boxing event na halatang full force ang ginawang pag- amplify at ginawang propaganda, nais lamang nating alamin ang eksakrong detalye patungkol sa ipinagmamalaking Php 16 million na nakalap na halaga mula sa nasabing charity event.
Fully accounted na ba ito at may resibo.
Direkta ba itong ibinigay Ng mga donors sa PNP o sa event organizers na di klaro kung sinu- sino.
At ang mga ipinagyabang din ni Torre na trak- trak ng mga de-lata at iba pang in-kind donations…
Nasaan na ang mga ito?
Naipamahagi na ba sa mga flood victims o NASA mga undisclosed warehouses at bodega pa?
Dapat ay may transparent at malinaw na accounting sa lahat ng Ito.
Ang nasabing ” charity boxing event” bang Ito ay officially sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB) at ng Philippine Sports Commission (PSC).
Kung sanctioned,asan ang mga resibo at mga dokumentong nagpapatunay?
Kung walang opisina ng gobyerno ang aamin na opisyal na nangasiwa at namahala sa event na ito ng bida- bidang si Torre ,eh di labas na isang bogus activity Ito?
Speaking of Torre,mukhang copy cat scenario itong charity boxing event na pilit na ginaya at kinopya sa katatapos na Pacquiao- Barrios fight a week earlier na ginanap sa MGM Hotel sa Las Vegas.
Mukhang may napakalaking ilusyon nitong si Torre na maging boxing icon at makahanay sa estados ng Pambansang Kamao.
Ilusyon nga ba o isang literal na kabaliwan!
Panay kasi ang ” show- boating” ng PNP chief kahit alam naman nito from the start na ” NO SHOW” na si Baste.
Sumobra naman ang arte Torre na sinusulit ang bawat minutong oportunidad para sa isang full blown nationwide media coverage.
Tinalo pa ni Torre si Jollibee,ang pambansang bida- bida!
Yes madami po talaga ang nagpunta at nagcheers kay Torre sa Rizal Memorial Staduim.
Mga nauto nila!
Mga inobligang mga pulis hindi lamang sa Metro Manila kundi mula sa mga provincial at regional commands ng pambansang kapulisan.
Nasa audience din ang mga workers at mga empleyado ng mga kumpanyang kinotongan este nagdonate pala!
Successful talaga ang “grand paglabas” na Ito ni Torre using government clout and resources!
Papurihan natin si Diwata for a job well done.
Nambudol at nakabudol na naman kayo gamit ang charity boxing event kuno na kahit kalahating round ay walang napanood ang tao.
Nakapag- grand standing na,parang kumita pa?
Kaawa-awa ang mga ordinaryong mga pulis na inobligang pumunta sa venue gamit ang kanilang sariling pera sa pamasahe.
Ngayon pa lang,bukayo na ang ilusyon nitong si Torre na maging senador gaya ni Ping Lacson at Bato dela Rosa.
In your dreams General Diwata!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com