Advertisers

Advertisers

Rozz at Regine pareho ng pinagdaanan ng singing career

0 29

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MARCH 21 ng taong kasalukuyan nang bumalik sa Pilipinas ang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels kasama ang American husband niya na si David Daniels.

“Nag-retire kaming mag-asawa,” sagot ni Rozz sa tanong namin kung bakit sila nagbalikbayan with her husband.

Mamamalagi na sila sa Pilipinas at bibisita na lamang sila sa US minsan isang taon upang dalawin ang apat nilang anak na sa Amerika naka-base.

“Andoon sila, may kanya-kanyang trabaho, yung bunso ko may anak na, I have an eleven year-old grandson.

“So doon lang sila, siguro baka bibisita sila dito paminsan-minsan.”

Paano natanggap ng mga anak nila nasa Pilipinas na sila maninirahan ni David?

“Natanggap nila, in fact they liked it.

“Gusto nila, kasi alam nila na bumabalik ako dito para lang kumanta, e. So gusto nila na i-pursue ko yung career ko dito talaga.”

Surprisingly, ang mister ni Rozz na si David ang may gusto na sa Pilipinas sila mag-retire.

“Dahil unang una alam niya na may career ako dito. “Tapos para maging malapit ako sa kapatid ko dahil wala na ang mama namin so ako na ang mag-aalaga sa kapatid ko.”

Kinuha na ni Rozz ang kapatid niya na dating nakatira sa Paco, Maynila at ngayon ay kasama na ni Rozz sa bahay nila ni David sa isang ekslusibong village sa Sta. Rosa, Laguna.

Alam din nina Rozz at David na kung patuloy siyang pabalik-balik sa Amerika at sa Pilipinas ay hindi tuluyang makakaalagwa ang singing career niya.

“Korek, oo!

“Kasi limited lang yung ano ko di ba? Uwi ko dito four to five weeks lang, tapos uuwi na naman ako sa Amerika.

“Magre-re-record ako, mapuputol hindi matatapos.”

Sa mga hindi pa nakakaalam ay may pagkakapareho ang pinagdaanan sa buhay nina Rozz at Regine Velasquez.

Noong hindi pa siya Asia’s Songbird, madalas ay sumasali si Regine sa mga amateur singing contest sa iba’t ibang lugar sa Bulacan (kung saan nakatira noon ang pamilya Velasquez) at karatig-lugar.

Kapag nananalo si Regine, bukod sa cash prize ay nakakatanggap siya ng mga paprepmyong tulad ng groceries at isang sakong bigas.

At dahil ang palaging kasama noon ni Regine sa pagdayo sa mga patimpalak ng kantahan ay ang ama niyang si Mang Gerry Velasquez, si Mang Gerry ang nagtitiyagang magbitbit ng sako ng bigas para maiuwi nila ni Regine sa kanilang tahanan para may pagkain sila.

Si Rozz naman noong araw, dahil mahusay kumanta ay dumadayo rin sa iba-ibang lugar para sumali sa mga singing competition.

Hindi man pinapalad na maging champion, pumupuwesto naman siya bilang 2nd o third placer.

At ang premyo niya ay pareho ng kay Regine; isang sakong bigas at mga grocery items tulad ng sardinas at condensed milk.

Ang kaibahan nga lamang, kung may tagabuhat si Regine ng sako ng bigas, si Rozz ay wala kaya siya mismo ang nagbibitbit ng sako ng bigas na kanyang napanalunan!

Nagbunga naman ang mga pagsisikap at pagtitiyaga ni Rozz; kinilala siya bilang Most Promising Female Pop Rock Diva of the Year noong 2021.

Ang award ni Rozz ay mula sa Phoenix Excellence Awards ni direk Ronald Abad.

Isa pang malaking pagbabago sa buhay ni Rozz; mula sa paglalakad ng halos dalawang oras para lamang makasali sa mga singing contest noon sa Dumaguete at Bohol, naranasan niyang mamuhay ng maraming taon sa Wisconsin sa Amerika at umawit ng libre sa mga charity event doon.

At ngayon nga na based na siya sa Pilipinas, asahang mas lalong aarangkada ang singing career ng Pop Rock Diva, lalo pa nga at napaka-supportive ng mister niyang si David.