Advertisers

Advertisers

EVIL, ABSURD, MALICIUOS AND LIBELOUS

0 24

Advertisers

Tila hindi talaga titigil ang ilang anti- Duterte groups sa pag- imbento at pagtatanim ng mga pekeng witnesses at gawa- gawa at tahi- tahing mga ebidensiya laban sa pamilya Duterte at mga loyalistang kaalyado nito.

Ngayon naman, pati ang kagalang- galangan at kataas- taasang hukuman, ang Korte Suprema ay isinasangkot sa iskandalo ng pagtanggap ng bribe o suhol!

Sa isang social media post ng page ni ALICIA COMMENT, tahasang inakusahan nito si Senator Bong Go ng umano’y panunuhol sa labing dalawang (12) Supreme Court justices na pawang appointees ni former President Rodrigo Roa Duterte para ibasura ang pilipit at pinilit na impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Isa itong absurd,malicious,libelous and evil accusation laban sa isang senador na nakakuha ng mahigit sa 26 milyon ( 26,912, 607) boto ng sambayanang Pilipino nito lamang May 12,2025 midterm elections.

In fact,si Senator Go ang topnotcher at may hawak ng record bilang senador na nakakuha ng pinakamaraming boto sa isang eleksyon (reelection bid) sa kasaysayan ng bansa.

Isa itong direktang atake hindi lamang sa pangalan at pagkatao ni Sen.Bong Go kundi direktang pagyurak sa integridad, kredibilidad at dangal ng institusyon ng Senado na kinabibilangan ni Go.

Masasabing sabotahe at atake rin ito sa integridad at pagkatao ng mga inaakusahang hukom ng Korte Suprema na may layong magdulot ng constitutional crisis para magkaroon ng kaguluhan at destability ang political at judicial system ng pamahalaan.

Isa itong “BLACK OPERATION” and a senister propaganda plot financed by billions of pesos from taxpayers’ money perpetuated by corrupt politicians and evil government officials to push, promote and safeguard their political ambitions and self interests.

Wala na talagang takot ang mga KUPAL na nasa likod ng oplan na ito at modus operandi aimed to destroy and eliminate their political opponents particularly the Dutertes and its loyal allies.

Napakasama at napaka- maka- demonyo ang motibo ng mga taong ito na nais panatilihin ang kanilang mga sarili sa kapangyarihan.

Ginagamit ng mga ito ang resources ng gobyerno para sa napakasamang planong Ito.

Ang atake o black ops na ito na inumpisan nang ilunsad ng nasabing grupo laban sa institusyon ng Senado at Korte Suprema na may layong buwagin ang mga nasabing institusyon sa pamamagitan ng pagdurog sa kredibilidad nito at panabay nang pagbabago sa Konstitusyon at porma ng pamahalaan.

Malinaw na hindi gugustuhin ng kasalukuyang gobyernong Marcos Jr.at ng Kongresong pinamunuan ng pinsan nitong si Speaker Martin Romualdez na magkaroon pa ng halalan sa 2028 dahil tiyak na malalagay sa alanganin ang kanilang mga hinahawakang kapangyarihan.

Obvious kung bakit

“first order of the day” sa Kongreso ang plano nang talunan at nandayang Manila 6th district bogus Congressman Benny Abante na baguhin ang Saligang Batas ngayong 20th Congress.

LAHAT ng galawan ng kasalukuyang Marcos Jr. administration ay mapapansing walang takot at respeto sa batas at konstitusyon.

Makikita ang obvious at total disregard at pagwasiwas sa culture of impunity na naka base solely sa massive at blind support ng pulisya at militar na pinamunuan nina Generals Nicanor Torre III at Romeo Brawner.

Madilim at nakakakilabot ang kinabukasan ng ating mga anak at ng mga susunod pang henerasyon na nasa kamay ng mga taong ito ni Bongbong Marcos at ng abusadong pamahalaan nito.

Sa totoo lang,Martial Law na lamang ang kulang sa mga kaganapan ngayon sa ating bansa na hindi naman malayo at imposibleng ideklara ano mang oras mula ngayon.

Kung baga,sadyang kapit na sa patalim ang huwad na gobyernong ito!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com