Advertisers

Advertisers

Pagpapaliban ng BPE, malaking hamon sa demokrasya sa Bangsamoro

0 66

Advertisers

Nagdulot ng matinding pag-aalala at naglagay sa panganib sa pagiging lehitimo ng demokratikong proyekto ang pagpapaliban ng kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) mula Mayo hanggang Oktubre 2025 sa ilalim ng Republic Act No. 12001.

Sinabi ni Jamel “James” D. Macaraya na dating miyembro ng BTA-BARMM na maraming eksperto ang nagsasabi na ang pagbabagong ito, may pagdududa sa legalidad at kompromiso sa etika at naglalagay sa panganib ang pagiging lehitimo ng proseso ng demokrasya sa Bangsamoro.



Bagama’t handa na ang Commission on Elections (Comelec) na isagawa ang desynchronized sa October 2025 ang BPE, mas mainam na ipagpaliban ang halalan o i-reset ang mga ito sa pangalawamg pagkakataon sa 2028 kasabay ng pambansa at lokal na halalan.

Ayon kay Macaraya, ang pagkilos na ito,  hindi gaanong masalimuot at matapat sa kaayusan ng konstitusyon kaysa sa pagpapatuloy sa unsynchronized October 2025 BPE.



Ang synchronized election requirement at ang amendment provision sa BOL may parehong legal at demokratikong bigat tulad ng nakapirming termino ng mga halal na opisyal, ang opisyal na petsa ng pambansang halalan at ang petsa ng SONA ng Pangulo na hindi maaring basta-basta baguhin ng Kongreso.

Labag aniya, sa konstitusyonal at statutory requirement para sa synchronized elections, isang prinsipyo na nakasaad sa Artikulo X, Seksyon 8 ng 1987 Konstitusyon at sa Seksyon 13, Artikulo XVI ng Bangsamoro Organic Law (BOL).



Nilalabag din nito ang Artikulo XV, Seksyon 3 ng BOL na nagsasaad na anumang pagbabago sa batas na dapat dumaan sa plebisito. Ang pagpasa ng RA 12001 nang walang plebisito, isang malinaw na paglabag sa batas.

Hindi lamang isang teknikalidad ang pagsabay ng halalan kundi maahalagang transparency, at pagkakapare-pareho sa pamamahala. Ang pagbabago sa petsa ng halalan nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa BOL at sa proseso ng demokrasya.

Habang naghahanda ang COMELEC para sa halalan sa Oktubre, nananatili ang pag-aalala sa integridad ng halalan at sa patas na proseso.

Nagpapaalala ang isyung ito sa kahalagahan ng pagsunod sa batas at pagpapahalaga sa demokratikong proseso. Kailangang nakabatay ang tunay na reporma sa pagsunod sa konstitusyon at tiwala ng publiko. Isang malaking hamon sa demokrasya sa Bangsamoro ang pagpapaliban ng BPE , at kailangan ng agarang solusyon na sumusunod sa batas at nagsisilbi sa kapakanan ng mamamayan.