Advertisers
HABANG “sinusuyod” ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., aka, ‘BBM,’ as in, ‘Baby M,’ ang listahan ng mga korap na kontratista at mga kapwa nila korap na mga kongresista at mga opisyal sa gobyerno para maparusahan dahil sa tila wala nang solusyon na problema sa pagbaha, mainam na pakinggan ang mungkahi ni Manila ‘Yorme’ Isko Moreno.
Mungkahi ni Yorme? “Ibigay” na sa mga ‘LGUs’ ang responsibilidad sa mga ‘pumping stations’ laban sa pagbaha, partikular sa Kalakhang Maynila. Sa ganang atin, napakalaki ng tama dito ni Yorme.
Una nga naman kasi, mga LGUs ang ‘first responder’ sa tuwing may kalamidad at palaging ‘focus of attention’ ng mga residente sa ganitong mga sitwasyon.
Siyempre, sa mga “tolonges” at mga “ogags” ang mayor ang una nilang mumurahin kapag binabaha ang kanilang mga komunidad at hindi ang DPWH o MMDA o Maynilad o Manila Water o kahit ang korap nilang kongresista na nagpabida sa pagpopondo ng pumping station sa kanilang mga lugar—pero sira naman pala, hindi gumagana sa oras na kailangan.
Hindi na rin kailangan ang “matabang utak” ni partylist Rep. Terry Ridon na para lang makasipsip sa Palasyo ay isinisi sa ‘Dolomite Beach’ ang pagbaha sa Maynila dahil hindi pa rin nakikita, hindi pa rin nadarama ang ginhawa, ng higit sa 5,000 ‘flood control projects’ ni Baby M hanggang ngayon.
Kung nasa LGUs ang responsibilidad, ISA na lang ang “boboldyakin” kaya hindi na sasakit ang ulo ni Baby M sa paghahanap kung “sino” nga ba ang dapat managot sa problema— bukod sa kanya.
Kasama siyempre sa panukala ni Yorme ay ito: “Tanggalin” na sa kamay ng mga korap na mga kongresista at kontratista ang desisyon sa flood control projects.
At dahil ‘kickback’ ang asinta hindi ang totoong serbisyo publiko, hindi na talaga ikokonsulta sa LGUs sa suspetsa na “mahatian” pa!
At kapag “delubyo” na? Mayor ang nililibak at minumura ng tao habang si Mr. Congressman, bastante sa pagbibilang ng kuwarta, sanamagan!