Advertisers
Natagpuang patay ang isang babaeng residente ng Ormoc City na naiulat na dinukot sa Tacloban City.
Tinukoy ang biktima na 35-anyos, single mother, caregiver, at residente ng Barangay Valencia, Ormoc City.
Natagpuan ng isang mangingisda ang bangkay nitong hubad, namamaga na, may tali sa leeg, kamay, at paa, at nakatakip ang mukha ng tela at duct tape sa Barangay 99-Diit noong Lunes.
Ayon sa pamilya, dinukot ang biktima ng tatlong armadong lalaki Hulyo 31 sa Barangay Valencia at isinakay sa isang itim na hatchback patungo sa direksyon ng Kananga, Leyte.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, at nananawagan ng tulong sa publiko matukoy ang mga salarin.