Advertisers
NAGNGITNGIT ang publiko nang mag-viral ang video ng isa umanong content creator habang dumudura sa holy water font ng St. John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental.
Sa video, tila walang pag-aalinlangan ang babae sa ginawang aksyon sa loob mismo ng simbahan, na sinasa-bing bahagi ng kanilang online content.
Dahil dito, agad ipinag-utos ni Archbishop Martin Jumoad ang pansamantalang pagsasara ng simbahan upang maibalik ang kabanalan ng lugar. Tinukoy niya ang nangyari bilang isang “grave act of sacrilege” sa inilabas na decree nitong Agosto 5.
Muling bubuksan ang simbahan kapag naisakatuparan na ang mga itinakdang gawaing penitensyal at pastoral assessment.
Patuloy paring inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng babae sa video.
Samantala, hindi napigilan ng mga netizen ang galit at pagkadismaya, at mariing kinukondena ang anila’y pambabastos sa isang sagradong lugar kapalit lamang ng views.