Advertisers
ISANG biglaang rigodon sa Philippine National Police (PNP) ang muling gumalaw sa hanay ng mga heneral.
Itinalaga bilang bagong Deputy Chief for Administration si Lt. Gen. Bernard Mollanida Banac—ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa buong pambansang pulisya—epektibo nitong Agosto 6.
Si Banac ay isang beteranong opisyal na nagsilbing tagapagsalita ng PNP noong panahon ni dating PNP Chief, General Oscar Albayalde, at kalaunan ay naging Director for Plans, Director ng PNP Training Service, at Director ng Police Regional Office 8.
Kilala si Banac sa loob ng organisasyon bilang prope-syonal, may malawak na karanasan, at hindi nasasangkot sa pamumulitika—kaya’t tanggap ng marami ang kanyang pagtaas sa pwesto.
Kasabay nito, inilipat si Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. bilang Commander ng Area Police Command sa Western Mindanao. Bagama’t hindi ito tinawag na demotion, itinuturing ito ng marami bilang paglalagay sa kanya sa isang malayong lugar—malayo sa desisyong pambansa at kapangyarihan ng Camp Crame.
Nag-ugat umano ang ri-godon sa mga kumalat na tsismis mula sa kampo ni Nartatez na siya na ang papalit kay Gen. Nicolas Torre III pagsapit ng Marso 2026.
Ayon sa mga impormante, si Nartatez ang sinasabing “manok” ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa pagka-Chief PNP. Ngunit ang katotohanan—ayon sa mga opi-syal sa loob ng PNP—ay kapwa hindi popular sa organisasyon sina Nartatez at Remulla.
Kilalang istrikto si Nartatez at kulang sa malasakit sa kapwa pulis. Wala rin siyang ma-tibay na track records na maipagmamalaki, at ang kanyang pagtaas sa mga sensitibong posisyon—gaya ng pagiging direktor ng Region 4-A, NCRPO, at Deputy Chief—ay itinuturong bunga ng pamumulitika at hindi ng merito.