Advertisers

Advertisers

VP Sara nagpasalamat sa Diyos matapos i-archive ng Senado ang impeachment case

0 11

Advertisers

NAGPASALAMAT umano sa Diyos si Vice President Sara Duterte matapos i-archive ng Senado ang impeachment case laban sa kanya.

“Basta salamat sa Panginoon. Yun lang,” tugon ni Marcos nang tanungin kung nagkausap sila ni VP Sara at ano ang naging reaksyon nito.

Nananatili pa rin aniya na may komunikasyon sila ng Bise Presidente.



“Text-text lang. Papadala ng biblical quotation. Mahilig yun magpadala ng bibliya eh,” ayon pa sa Presidential sister.

Matatandaang sa botong 19-4-1, pumabor ang karamihan sa mga senador na sundin ang Supreme Court at i-archive o isantabi ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara.



Sinabi naman ni Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ni Duterte na “kinikilala” nila ang desisyon ng Senado na i-archive ang mga articles of impeachment.

Matatandaang may nakabinbing mosyon ang Kamara sa Korte Suprema, ngunit nagbotohan na ang Senado at sumunod “kaagad na pagpapatupad”, ngunit hindi pa pinal na desisyon ng SC hinggil sa impeachment complaint laban kay VP Sara. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">