Advertisers

Advertisers

Binata tumangging bumili ng yosi, patay sa saksak

0 17

Advertisers

Patay ang isang katao habang sugatan ang kaniyang tiyuhin nang pagsasaksakin ng anim na kalalakihan nang tumangging bumili ng sigarilyo ang una sa tindahan sa Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Sarte”, 34, binata, walang trabaho, habang inoobserbahan pa sa Quirino Memorial Medical Center si alyas “Gonzales”, 41, may-asawa, businessman, kapwa residente ng Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Agad namang naaresto ang mga suspek na si alyas “Ogacho”, 28, helper habang tinutugis pa ang mga kasamahan niyang sina Juloan, Maria at ang tatlo pang magkakapatid.



Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas- 12:20 ng madaling araw nitong Lunes (August 11), sa Seattle St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/SSg Erwin Jay Mendez, nakaupo si Sarte kasama ang ilang kaibigan nang lapitan ng grupo ng mga suspek.



Inutusan ng isa sa mga suspek ang biktima na bumili ng yosi pero sumagot si Sarte na walang tindahan na nagbebenta ng sigarilyo.

Nagalit ang mga suspek at pinagtulungang suntukin si Sarte at nang bumagsak sa lupa ay saka pinagsasaksak sa katawan.



Nakita naman ng tiyuhin ng biktima na si Gonzales ang pangyayari kaya agad niya itong sinaklolohan subali’t sinaksak din siya sa likod ng mga suspek..

Matapos, kaswal na naglakad papatakas ang mga suspek dala ang armas na ginamit sa pamamaslang.

Isinugod ang mga biktima sa ospital subali’t idineklarang dead on arrival si Sarte bandang 1:18 ng madaling araw.

Dinala rin ang suspek na si Ogacho sa QMMC nang maharang ng mga istambay at pinagtulungang bugbugin. (Almar Danguilan)