Advertisers
NASAWI ang 9 katao habang 5 ang sugatan sa naganap na aksidente nang sumalpok sa metal fence ang isang Hyundai H 100 Van na may plakang NKH-6206 ,sakop Central Luzon Link Expresway (CLLEX) ng Brgy. Balingcanaway, Tarlac City nitong Martes ng umaga, Agosto 12.
Sa report ni Acting Chief of Police PLt Col. Neil Rainer Mercado, kinilala ang driver nito na si Jhon Paul Martin 41 ng Brgy, Holy Spirit Quezon City.
Kinilala rin ang mga sakay nito na nasugatan na sina Jessica Cruz 22, Christian Laceda 38, Jona Cruz nasa hustong gulang, Aaron Paul Amto 33 anyos,
Habang ang mga nasawi naman ay nakilalang sina Leonel Paulino 26,Marlon Santos kapwa residente ng Caloocan City.
Ronnie Mark Nagrite 33, ng Antipolo City, Jhon Nestor Cortoga 23 ng Silay Cavite, Justin Padua, Arron Jay Pondial ng Novaliches Quezon City, Hemady Jerusa Idulsa 31, Austin James Monleon 4 na taong gulang, at Cristine Cruz.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ganap na alas-8:00 ng umaga ng maganap
ang trahedya sa CLLEx, kung saan nawalan umano ng control ang sasakyan na sumalpok sa metal fence.
Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa naturang insidente.(Thony D. Arcenal)