Advertisers

Advertisers

MGA VENDOR SA MAYNILA HUMAHAGULGOL SA DAMI NG MGA KOLEKTOR

0 33

Advertisers

Kung dati ay nag-iiyakan lang, ngayon ay HUMA-HAGULGOL na ang mga vendor sa lungsod ng Maynila dahil sa dami ng mga KOLEKTOR na humihingi ng tara araw-araw gabi-gabi.

Sinabi ng mga vendor na ang mga KOLEKTOR na ito ay parang sila na lang ang pinagha-hanapbuhay namin.

Pinag-aabot na lang daw nila ang kanilang kinikita dahil mas malaki daw ang naibibigay nilang tara kaysa sa tinatanggap ng kanilang pamilya.

Maliban daw sa Hawkers na legal na pinapahintulutan ng city hall na mangolekta, nadagdagan pa ito ng tatlong personalidad mula sa pulis, chairman at minsan ay lambing galing sa DPS.

Kinilala nila ang KOLEKTOR na pulis na Isang”Akiri’ na umanoy nakadetine sa Station-3 ng MPD. Malupit daw ito dahil hindi ka pwedengag past.

Ang chairman naman ay kinilala nilang si “Bunny” na dati na ring anti-vending chief sa Carriedo. Matulis at mas lalong magulang daw ito. Malakas at malapit daw ito kay Yor-Me.

May lambing din naman paminsan-minsan ang ilan opisyal ng DPS pero hindi ito araw-araw.

Ang hinihinging Tara daw nitong si Akiri’ at Bunny ay sampung doble sa binibigay nila sa Hawkers.

Mabuti daw ang Hawkers dahil iniisyuhan sila ng resibo di tulad ni pulis at ni chairman na tatantusan ka lang sa kapirasong papel at notebook.

Duplication lang naman daw ang function ni Akiri’ at ni Bunny dahil meron na ngang Hawkers at trabaho talaga nila ito. Alam din namin na maski papaano ay puma-pasok sa kaban ng lungsod ang kanilang koleksiyon.

Hindi tulad ni pulis at ni chairman na hindi mo malaman kung kanino nila pinapasok ang kanilang koleksiyon.

Malaki anila ang posibilidad na sila lang at kanilang mga tauhan ang nakinabang sa kanilang pinagputahan.

Ang dalawang ito ay naka-focus lang sa ilang Lugar tulad ng Divisoria, Carriedo, Quiapo, Blumentrit at Sta. Cruz. Mga juicy post di po ba?

Kapadong-kapado nila ang mga Lugar na ito. Siyento porsyentong nagkakagulo ang pera dito he… he… he…

Nananalangin daw sila na harinaway maawa sa kanila at babaan sana ang hinihinging Tara ni pulis at ni chairman upang maging sapat naman ang maiuwi nila sa kanilang pamilya.

May puhunan din naman ang aming mga kalakal. Kadalasan nga ay inuutang na Lang namin sa 5-6 makaraos lang araw-araw… HAVE MERCY ON US…