Advertisers

Advertisers

SINO ANG MGA TUNAY NA BAYANI?

0 43

Advertisers

LONG weekend ang ating naranasan dahil natapat ng Lunes ang National Heroes’ Day sa taon na ito. Agad nagsibiyahe ang iba nating mga kababayan para samantalahin ang pagbabakasyon dahil sa nasabing holiday.

Pero, ano nga ba, o’ sino nga ba ang ating ginugunita, o’ pinapipitaganan, kapag araw ng mga bayani? Tama at nariyan na ang mga nag-alay ng kanilang mga buhay para sa bansa.

Sa ganang akin, may mga buhay na bayani rin tayong dapat kilalalanin kaoag Araw ng mga Bayani.

Nagpapanatili ng katahimikan sa bansa, pinangangalagaan ang kalusugan ng lahat, pinapanatili ang seguridad ng bayan, at ang simpleng pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

Ang sinomang gumagawa nang di para sa kanilang sarili, ay maituturing na rin nating mga bayani. Hindi ito yun mga opisyal na takbo agad sa kanilang mga magagarang bakasyunan, o mapa-ibang bansa pa dahil nagdeklara ng holiday ang ating pamahalaan.

Ang mga bayani kong tinutukoy, ang ang araw-araw nating nakakasama o’ nakakasalamuha sa araw-araw din nating oakikipagsapalaran sa buhay.

Bayani ko silang tinuturing, dahil di man nila napagtatanto, o’ dahil pinili nila ang ganoong trabaho, malaki ang naiiaambag nila sa baya. Hindi sila mga KURAKOT!

Nagsasakripisyo, naghihirap sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, at minsan ay naiaalay din ang kanilang mga buhay para sa iba, para sa kanilang mga kababayan. Yan talaga ay isang kabayanihan.

Panalangin ko, na sana, sila ay biyayaan ng Maykapal dahil sa kanilang kabayanihan. Patuloy silang bigyan ng lakas ng pangangatawan at isipan, upang matugunan nila ang tawag ng kanilang mga tungkulin at iwaksi sila sa korupsiyon.

Korupsiyon ang napili kong kataga, dahil ito na ngayon ang katumbas ng salitan KASAMAAN na umiiral sa mga isipan ng iilan sa ating mga kababayan. Karamihan sa kanila ay nasa pamahalaan pa.