Advertisers

Advertisers

JOHN REY MALTO MATAPANG NA PUWERSA SA LIKOD NG BAGONG MUKHA NG PHILIPPINE ENTERTAINMENT

0 107

Advertisers

Ni Oggie Medina

SI John Rey Malto ay isang talent manager at songwriter na masipag, matiyaga, at may malasakit sa mga talent na hangad na maabot ang mga pangarap.

Sa isang industriya kung saan ang tagumpay ay bunga ng tamang kumbinasyon ng talento, determinasyon, at malinaw na direksyon, si John Rey ay kinikilalang makabagong haligi ng Philippine Entertainment. Bilang songwriter, researcher, writer, at talent manager, dala niya ang hangaring matuklasan at mahasa ang mga susunod na bituin ng bansa.

“Ang misyon ko ay di lang magpasikat ng talento, kundi magbukas ng pintuan para sa mas maraming pangarap na matupad,” wika ni John Rey.

Ipinanganak noong Oktubre 22, 1991 sa Maynila at lumaki sa Sudipen, La Union, ipinakita na niya ang sipag at determinasyon mula sa murang edad. Habang kumukuha ng kursong political science sa Don Mariano Marcos Memorial State University, nagtatrabaho naman siya bilang service crew sa iba’t ibang fast food chain upang masuportahan ang kanyang pag-aaral—patunay na “walang imposible sa taong may pangarap.”

Nagsimula siya bilang freelance researcher at manunulat bago maging talent coordinator sa loob ng anim na taon. Noong 2018, tuluyan niyang niyakap ang mundo ng talent management at pinangungunahan ang paghubog ng mga modelo, beauty queen, at mang-aawit na ngayo’y umaarangkada sa malalaking entablado.

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, hindi siya tumigil sa paggabay sa kanyang mga alaga. Patuloy niyang sinuportahan ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang palabas at singing competition ng GMA at ABS-CBN tulad ng Tawag ng Tanghalan, The Voice Kids, It’s Showtime, Idol Philippines, at Goin’ Bulilit—mga oportunidad na nagbukas ng mas malalaking pintuan para sa kanilang career.

Bukod sa pagiging talent manager, naging casting director siya para sa mga international films na Spring in Prague at The Mariana’s Web.

Bilang songwriter, siya ang may likha ng kantang “Pangako Mo” na inawit ni Joice Espinoza—isang viral hit na umabot sa mahigit 1.2M views sa Facebook at nagwagi ng maraming prestihiyosong parangal.

“Kung mahal mo ang ginagawa mo, hindi mo ito bibitawan. Lahat ay may tamang oras para magtagumpay,” wika niya.

Sa bawat tagumpay na kanyang nakakamit, nananatiling malinaw kay John Rey Malto ang kanyang misyon—ang maging tulay para sa mga pangarap at magdala ng bagong sigla sa mundo ng Philippine Entertainment.