Advertisers

Advertisers

Gloria nagagandahan kina Marian at Kyline pero ‘di type

0 50

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TINANONG ni Boy Abunda ang beteranang aktres na si Gloria Diaz, nang mag-guest ito sa kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda, kung sino para rito ang tatlong pinakamagagandang artista ss showbiz.

Pero bago sumagot ang kauna-unahang naging Miss Universe noong 1966, sinabi niya,”Pinakamagaganda doesn’t mean, I necessarily like them.”

Na ang ibig niyang sabihin, nagagandahan lang siya sa mga pipiliin niya, pero hindi niya gusto ang mga ito.

Unang binanggit ni Gloria ang anak niyang si Ysabelle Daza. Pero sabi ni Kuya Boy, huwag na itong isama. Anak kasi ni Gloria si Ysabelle.

Pangalawang binanggit ni Gloria ay si Marian Rivera.

“I don’t necessarily like her. But she’s one of the most beautiful. Perfect ang mukha,”pag-describe ni Gloria sa misis ni Dingdong Dantes,

Pinili niya rin si Kyline Alcantara, na co-star niya sa isang serye.

“When she matures a little bit more. She’s beautiful.”

Bongga sina Marian at Kyline, huh! Nagagandahan sa kanila si Gloria, pero ‘yun nga lang, hindi naman sila nito gusto.

***

NU’NG nakita ng Sparkle artist na si John Clifford si Joshua Garcia sa nagdaang 37th PMPC Star Awards For TV, na handog ng BingoPlus, nagwapuhan at na-starstruck siya rito. .

Kaya naman, nang manalo siya bilang Best New Male TV Personality, bago ang kanyang acceptance speech, nagbiro siya. Aniya, “Can I introduce myself again? Kambal po pala ako ni Joshua Garcia. Hindi! Joke lang po.”

In fairness, marami naman ang nagsasabi na may hawig si Clifford kay Joshua.

Pagkatapos nu’n, ibinahagi na ng bagets ang award na napanalunan niya sa Nasa Itaas.

“I share this award first and foremost with God. Nagpapasalamat po ako sa blessing na ito,”

Pinasalamatan din niya ang sitcom na Pepito Manaloto, kung saan ay naging semi regular siya.

Ito ang nagpanalo sa kanya.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang mga magulang na sina Daddy Dong at Mommy Pie, sa pagiging supporitive ng mga ito sa kanyang career.