Advertisers

Advertisers

Kaya papasok sa pulitika… Claudine type tapatan si Angelu

0 54

Advertisers

Ni Jimi C. Escala

WE heard na papasukin na rin daw ng aktres na si Claudine Barretto ang mundo bg pulitika.

Ayon sa nakausap naming kaibigang dating pulitiko ay tatakbo raw si Claudine sa district One sa Tondo, Manila, huh!

Pinag aralan lang daw ng mga advisers ni Claudine kung kunsehala o pagiging congresswoman ang papasukin ng aktres.

Ito raw ang dahilan kung bakit panay ang ikot ng kapatid ni Gretchen sa Tondo particularly sa mga nasasakupang barangay ng District One.

Ayon naman sa nakausap naming isang incumbent politician medyo mahihirapan daw si Claudine na talunin ang magte third term na incumbent Congressman na si Cong. Ernix Dionisio. Ito ay kung sakaling kongreso ang puntiryahin ng dating asawa ni Raymart Santiago.

Mas may pag asa pa raw kung pagiging kunsehala ng Tondo ang tatakbuhin ni Claudine.

Anim kasi ang ibobotong kunsehal at ang kasalukuyang nakaupo sa kunseho ng District one ay tatlo sa mga ito ang magla last term, huh!

Siyempre kuha ni Claudine ang suporta ng kapatid niyang si Gretchen Barretto na maaring isa sa mga dahilan kung bakit papasukin nito ang pulitika.

But still, pang intriga naman ng kasamahan naming manunulat na malaki raw ang kinalaman ng nakaalitang aktres ni Claudine na si Angelu De Leon sa decision ng una, huh!

As it is, si Coun. Angelu ang numero unong kunsehal ng Pasig.

And from the way we look at it, maaring tumakbong vice mayor o mayor si Angelu na kung saan last term na ni Mayor Vico Sotto, huh!

***

JOSHUA GARCIA INALAY SA CO-STARS ANG PANANALO NG AWARD

WALANG mapagsidlan ng tuwa ang mga opisyales at miyembro ng PMPS Star Awards Inc. dahil sa tagumpay ng katatapos na 37th Star Awards for Television na ginanap sa marangyang VS Hotel and Convention Center. Mismong ang PMPC ang tumayong producer ng naturang awards night, huh!

Handog ng Bingo Plus, pinarangalan at kinilala ng PMPC Star Awards Inc. ang mga natatanging bituin at iba’t ibang programa ng telebisyon na ipinalabas noong 2023, na hindi nairaos noon dahil sa pandemya.

Biggest winner at talagang nakopo ng GMA 7 ang pinakamaraming tropeyo, kasama ang Best TV Station, Best Drama Anthology para sa “Magpakailanman,” Best News Program para sa “24 Oras,” Best Magazine Show para sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” at marami pang iba, huh!

Sa acting category naman ay winner ang kapamilyang si Joshua Garcia bilang Best Drama Actor para sa “Unbreak My Heart,” while si Rhian Ramos naman ang Best Drama Actress para sa“Royal Blood”.

Very touching ang mensahe ng nagwaging Best Single Performance by an Actor na si Alden Richards.

Inialay ni Alden ang kanyang tropeo sa lahat ng may problema sa pag iisip.

Si Rochelle Pangilinan naman ang tinanghal na Best Single Performance by an Actress, huh!

Ayon naman kay Joshua Garcia nang tanggapin ang parangal: “Maraming-maraming salamat, una sa Panginoon, and to my family and friends, sa ABS-CBN, sa GMA, sa Star Magic, and of course sa nagtiwala sa akin at nagbigay sa akin ng role na ‘to, kay Sir Deo Endrinal.”

“Hindi ko ito matatanggap kung hindi dahil sa co-actors ko, so thank you kela Jodi (Sta. Maria), Gabbi (Garcia)… of course, sa aming director at writers. Ang award na ito ay para sa buong team ng ‘Unbreak My Heart.”

Mula pa rin po sa bumubuo ng PMPC Star Awards Inc. ang aming taos pusong pasasalamat sa Bingo Plus, VS Hotel and Convention Center at sa lahat ng sponsors. hosts, guests at mga artistang dumalo sa 37th Star Awards for TV.