Advertisers

Advertisers

Ellen todo-deny na may utang na 10-M at nagbabalak tumakas pa-Tate

0 51

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DINENAY ng dating aktres na si Ellen Adarna ang kumakalat na balita na umano’y may utang siya ng 10million.

Sa kanyang Instagram stories nitong Miyerkules, August 27, ibinahagi niya ang screenshot ng Facebook post ng “The Scoop PH” na walang katotohanan.

Ayon kasi sa naturang post, namataan si Ellen na nasa airport papuntang Amerika para takasan ang malaking pagkakautang.

“Hoy umayos kayo. Wala akonng utang ever lol. I don’t even have a US visa because I’m so praning with all the shooting there,” paglilinaw ni Ellen.

Dagdag pa niya, “Looool! Don’t me! Dami niyong hanash!”

Sa isa pang Instagram story ni Ellen, ibinahagi niyang nagkaroon siya ng tatlong slip discs.

“3 slip discs. More Mri’s. Stress in life lumayo ka! Not now please.

“Positivity ohhhmmm uhhhhmmmm.

Health is wealth Loll!” sabi pa ni Ellen.

Samantala, wala pa ring pahayag sina Ellen at Derek Ramsey tungkol sa umano’y hiwalayan nilang mag-asawa. Ngunit nauna nang pabulaanan ni Cristy Fermin na walang katotohanan ang chikang ito.

***

TRUE kaya itong nakarating sa aming tsika, na umano’y nagsuplada ang isang beteranang aktres nang dumalo ito sa isang event?

Ayon sa aming source, nang matapos daw ang event, panay ang tawag ng mga faney sa beteranang aktres para magpa-picture. Pero dedma lang daw ito, as in parang walang narinig.

Malakas naman.daw ang pagkakatawag ng mga faney sa pangalan ni beteranang aktres. Kaya imposible raw na hindi sila nito narinig.

Dagdag pang tsika ng aming source, nagalit daw ang mga faney sa beteranang aktres dahil nga sa pangdededma nito sa kanila. Kaya nag-dialogue daw ang mga ito ng “Hindi naman pala siya maganda sa personal. Maputi lang siya,”

Sino si beteranang aktres? Gabi-gabi ay napapanood siya sa isang serye.