Advertisers

Advertisers

IMMIGRATION LOOKOUT BULLETIN ORDER, INISYU NG DOJ KONTRA ATONG, GRETA AT 60 RESPONDENTS SA MISSING SABUNGEROS CASE’

0 44

Advertisers

Ni JULIETA PACOT

NAG-isyu na ng immigration look-out bulletin order (ILBO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay Charlie “Atong” Ang, Gretchen Barretto at.iba pa para manmanan ang bawat galaw nito matapos kasuhan ng kasong kriminal.

Ito ang kinumpirma ng DOJ na nag-isyu sila ng ‘Immigration Lookout Bulletin Order’ kontra mga respondents sa reklamong inihain ng kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Tugon ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay ng ‘Hold Departure Order’ laban sa mga ito na layong mapigilan ng immigration para takasan at lumabas ng bansa.

Sinabi ni Remulla na inisyuhan at inilagay ang mga ito sa ‘Immigration Lookout Bulletin Order’.

Kabilang sa mga respondent ang negosyanteng si Charlie Atong Ang na itinuturo bilang umano’y mastermind sa pagkawala ng mga sabungero, bukod pa sa 59 respondents na kinasuhan sa kagawaran.