Advertisers

Advertisers

HUWAG ISANTABI ANG SALA NI INDAY SIBA

0 1,276

Advertisers

Maganda ang telon na ginamit na ‘di sinasadyang natakpan ang salang panlulustay ni Inday Siba sa salaping bayan sa mga tanggapang pinamunuan. Sa anomalyang inilabas ni Jun Singhot hinggil sa “flood control projects”, sisiw ang halagang hindi na usisa’t nabatid ni Mang Juan sa pagtatakip ng mga kapanalig ni Inday Siba mula sa bugok na kapulungan. Ngunit, may balik ang salang gawa, ang mga nagtakip ang naisalang sa parehong usapin na higit na mataas ang halagang pinag-uusapan. Sa pagdinig ng itim este na asul laso sa ma-anonalyang “flood control projects”, silip ang paglilihis ng mga bugok sa gawang sala. At ni Wigman sa mga pagkakataon na patungo ang usapin sa punong guro ng kaTimugan. At sa paglaon sa pagdinig, lumabas ang panggigigil ni Seksi na nagmukhang pipitsugin sa usapin ng pandarambong sa kabang bayan. Ang masakit, napiit sa parehong usapin habang ang mga kakulay na sangkot sa isyu’y nagkakanda-utal, sa pagsagip sa sarili.

Sa ilang araw sa usapin ng pandarambong sa pondo ng proyekto sa “flood control” hindi natigil si Jun Singhot sa pagsisiwalat at tuwirang inalam ang mga proyektong pinondohan ngunit wala. Tama ang galawang ipinakita ng ehekutibo sa usapin sa walang proyektong “flood control” na ‘naglihis sa usapin ni Inday Siba. Sinadya bang ilihis ang usapin ni Inday Siba o naghahanda sa tamang panahon na ususain at pagtagpas sa ulo ng punong guro ng kaTimugan, sa ’26. Ang hindi naganap na pagdinig sa usapin ni Inday Siba sa bahay ng mga bugok ang balaraw na ginamit upang ipakita sa mga kapanalig sa Pinoy na sala ang galaw na dapat panagutan. At dahil sa pagmamalinis ng mga bugok sa salang nakatago, nahungkat at naisalang ang sarili sa usapin ng pandarambong halip na ang kaTimugan ang sumasagot.

Mahirap arukin ang galawan na ipinamamalas ni Jun Singhot sa laban sa katiwalian na may kabig sa kaliwa’t kanan ngunit nagpapahiwatig na may mananagot sa nakitang anomalya. Sa darating na ilang araw umaasa ang pagbuo sa Komisyong mag-uusisa sa mga anomalya ng “flood control” at sa kung sino – sino ang magiging miembro. Sa pagbuo sa Komisyong mag-uusisa sa anomalya sa “flood control”, mababasa ang ganap na adhika o ganap na layon na lilinis sa mga anomalya ng programang banggit higit ang mga sasabit na mga kontraktor, nasa-ehekutibo at maging ang mga kinatawang bayan na tuwirang nakinabang at lumustay sa salaping bayan. Sa Komisyong bubuuin, inaasahan na mailalagay ang mga taong walang bahid ang pagkatao higit sa usapin ng pandarambong sa salaping bayan. Marami ang mapipisil ngunit ‘di magbabangit upang bigyan laya si Jun Singhot sa koponang ibig.

Isang pagbabalik kasaysayan, ang salang pag-iwas ng bugok na kapulungan ang balik na ‘di inaasahan na pagbalikwas sa sitwasyon na naglayo sa usapin ng pandarambong ng abalang pangulo tungo sa mga kinatawang bayan na may putik ng anomalya ang mga kamay. Ang mabilisang pagdinig na naganap sa itim na laso ang takip na magresulta sa pag-kadismaya ng bayan na magre-resulta sa malawang protesta laban sa kabahayan ng mga bugok. Sa totoo lang, mag-iiba ang sitwasyon sa paglabas ng binubuong komisyon na tuwiran mag-uusisa sa anomalya higit sa mga halal ng bayan na sala ang galaw.

Sa totoo lang, naghahanap ng katotohanan ang bayan sa naganap na mga maanomalyang walang proyekto laban sa paglaban. Ang nakikitang pagbaha na ipinakikita sa media, social media ang ganap na kalagayan na dinaranas ng taong bayan mula Luzon hangang Mindanao, at ganap na korapsyon o pagnanakaw sa kabang bayan. Walang tinutukoy sa kung sino ang nakinabang sa salaping bayan ngunit ang mga unang nagputakan ang dapat na agad isalang ng mabatid kung may sala at kagyat na kasuhan at panagutin. At kung wala linisin ang ngalan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Mahaba ang tahakin sa paglilinis ng pamahalaan at dito patungo si Jun Singhot na kailangang ayudahan upang magtuloy tuloy ang paglilinis sa pamahalaan. Ang masigasig na galaw na ipinamamalas ang inaasahan na magtutuloy – tuloy at ‘di titigil sa usapin ng “flood control” dahil ang malinis ang kabuuan ng pamahalaan ang ibig ng bayan. Ang natisod na usapin sa DPWH ay isa lamang sa maraming usapin ng korapsyon sa pamahalaan na dapat palawakin. Nararapat ang paglilinis na gagawin at tamang balikan ang maraming ma-anomalyang naganap sa tanggapan ng abalang pangulo at maging sa pinamunuang kagawaran. Masakit kung masakit na mabatid ang sala ng kaibigan ngunit kung ang bayan ang makikinabang, kasehoda na.

Sa totoo pa rin, dapat at kailangan na palalimin ang usapin ng katiwalian sa lunsod na minsang pinamunuan ng dating pangulo at maging ng abalang pangulo upang mabatid ang pagmamalabis sa salaping bayan sa panahon ng panunungkulan sa Lunsod. Batid ng bayan ang mala-haring pamamahala ang naganap sa lunsod na pinamunuan ng mag-ama at walang nagsasalita ng laban sa mga alkaldeng namumuno at baka humiwalay ang kaluluwa sa katawan. At kung pakabila ang mabatid, ang panagutin ang may sala ang dapat gawin ng ‘di pamarisan sa kinabukasan.

Jun Singhot, huwag lumihis sa magandang nasimulan at panagutin ang may sala. Huwag isantabi ang usapin sa pagsilang ni Mary Grace Piattos at mga kapatid. Ang paglilinis sa pamahalaan ang layon na matagal ng hanap ng bayan ng magamit ang salaping bayan sa tamang paggagamitan. Ang pangalan na may karangalan ang itanim sa puso ng Pinoy at ang panagutin ang may sala sa bayan higit sa usapin ng pandarambong maging kaibigan, kamag-anak, ka partido. Sa huli, iwaksi ang katiwalian ng ‘di malimutan ng bayan ang ngalan dahil sa tamang gawa.

Maraming Salamat po!!!!