Tatlong Tsino arestado habang pumupuslit gamit ang backdoor
Advertisers
TATLONG Tsino na nahuli ng mga Tawi-Tawi police habang nagtatangkang iligal na tumawid ng border ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy.
Ayon kay Sy, ang pag-aresto sa mga suspects na kinilalang sina Zhang Xiaofeng, 36; Guo Jinxia, 35; at Zhong Xiongwei, 54 ay alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang monitoring ng coastal areas upang maiwasan ang illegal cross border activities.
Nabatid kay BI spokesperson na si Dana Sandoval na ang Mapun Municipal Police station (MPS) ng Tawi-Tawi Police Provincial Office (PPO) ay nag-ulat na nasabat nito sina Zang and Guo habang nagro- routine checkpoint sa Port of Mapun sa Tawi-Tawi.
Si Zhong naman ay naharang ng 1st Special Operations Unit, Special Boat Crew ng Philippine National Police (PNP) Maritime group sa magkaibang port inspection activity.
Ang pagkakasabat sa mga suspek ay ginawa kasama ang Tawi-Tawi Provincial Police Information and Technology Management Division (PIT), Regional Intelligence Unit 9.
Ang tatlo ay dinala ng BI matapos na mapag-alaman na sila ay overstaying.
Sinabi ni Sandoval na ang BI ay aktibo sa pakikipagtulungan sa mga local law enforcement agencies sa mga lugar na ginagamit bilang areas of illegal migration corridors o kilala bilang backdoor at upang tugunan ang mga kaso ng mga dayuhan na iligal na tumatawid ng maritime borders.
Ang tatlo ay pansamantalang isinailim sa kustodya ng Tawi-Tawi PPO at PNP Maritime Group.
Sila ay inilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan noong September 1, kung saan sila mananatili habang naghihintay ng kanilang deportation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)