Advertisers

Advertisers

Ang Mundo ni Tito Boying

0 14

Advertisers

Ni Oggie Medina

SI Marcelino De Guzman Mallari, a k.a. Tito Boying, ay isinilang noong Enero 15, 1963 sa Balanga City, Bataan. Siya ang co-founder ng The Rising Filipino Awards.

Una siyang nagtrabaho sa isang beauty salon at 35 years naging real estate agent hanggang naging Euro TV host sa loob ng anim na taon na ngayon.

Sa “Whatta Whatta Today with Tio Boying” TV show, siya’y aking napapanood at giliw ako sa kanyang pagiging isang mahusay na host dahil nakakapagbigay siya ng inspiration sa kanyang viewers.

Lagi pa rin siyang nakatapak sa lupa at inaabot ang mga nasa laylayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“Sa totoo lang wala akong background sa broadcasting at hindi ako masyadong magaling sa English pero nabibigyan ko ng hustisya ang aking pag-hohosting basta iniisip ko maraming nakikinig at nanunuod sa aking bata’t matanda. Tiwala lang sa sarili at magpakatotoo kasi iniisip ko lagi nakasubaybay sa akin si Lord,” wika niya.

Dugtong pa ni Tito Boying, “Sa ngayon wala na akong mahihiling kay Lord kung di pag igihin ko kung ano ang mayroon ako ngayon.”

Salamat kina EuroTV Philippines boss Dt. Danilo Mangahas at Dhevz Sahagun na nagbigay sa kanya ng daan para pasukin ang mundo ng hosting.

Tito Boying, co-founder of The Rising Filipino Awards.