Advertisers
Nag-enjoy sa kanilang honeymoon sa Switzerland ang bagong kasal na sina Shaira Diaz at EA Guzman.
Sa mga post nila sa Instagram nitong Setyembre 3, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang sweet moments habang nag-e-enjoy sa ganda ng Luzern.
“Hello from the honeymooners!” ayon kay Shaira.
Nagbahagi rin ang TV host ng pictures ng kanilang pagkain ng Swiss cheese fondue sa tabi ng lawa.
“Lucerne got me cheesin’,” sey niya.
Hindi naman nagpahuli si EA at ibinida rin ang ilang larawan at video ng pagkain nila ng cheese fondue.
“When in Lucerne.. say CHEESE! You FONDUE it right,” caption niya.
“Enjoy lovers, vlog soon please,” komento ng follower.
“Favorite koto na couple,” reaksiyon naman ng isa.
Ikinasal sina Shaira at EA sa isang simbahan sa Silang, Cavite noong August.
SB19 bibida sa Asia Artist
Awards 2025 sa Taiwan
Nakatakdang magtanghal ang P-pop sensation na SB19 sa Asia Artist Awards (AAA) 2025 na gaganapin sa Disyembre sa Taiwan.
Sa isang post sa Instagram, inanunsyo ng AAA na kabilang ang SB19 sa magpe-perform para sa kanilang ika-10 anibersaryo na konsiyerto, kasama ang K-pop groups na Nexz, Xikers, Cravity, KiiiKiii, at KickFlip.
Ang espesyal na pagtatanghal, na tinawag na ACON 2025, ay idaraos sa Kaohsiung National Stadium sa Taiwan sa darating na Disyembre 7.
Matatandaang dumalo ang SB19 sa 8th Asia Artist Awards noong 2023 na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan. Doon nila ipinamalas ang kanilang mga awitin gaya ng “Crimzone,” “Bazinga,” “Mana,” at “Gento.” Nakamit din nila ang AAA Hot Trend at AAA Best Artist (singer) awards.
Kasalukuyang nasa Simula at Wakas World Tour ang grupo at kamakailan ay tumugtog sa Singapore at Indonesia.