Advertisers

Advertisers

Angelica Jones, Napagsasabay Ang Acting Career At Public Service, Pinasalamatan Pa Ni Herlene Budol Sa Pagwaging Best Supporting Actress

0 8

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

ISA si Angelica Jones sa mga artistang may “staying power” ang career. Kung yung ibang kasabayan niya ay namahinga na at wala nang project ay si Angelica ay naririyan at active pa rin.

At infairness paborito siya ng GMA na isinama siya sa top-rating action-drama series na “Black Rider” kung saan nagkasama sila ni Herlene Budol. At pinasalamatan pa nga siya ni Herlene dahil raw sa kanya ay nanalo itong Best Supporting Actress sa isang award giving body.

Madalas ding kuning guest si Angelica sa Wish Ko Lang at iba pang shows ng Kapuso Network. Nakagagawa pa rin ng movie si Angelica at laging maganda ang role na ibinibigay sa actress-comedianne-singer at politician. Kaya’t very thankful ito sa mga producer na kumukuha sa kanya at siyempre sa GMA.

At sa kabila ng pagiging aktibo pa rin ni Angelica sa showbiz ay patuloy pa rin ang paglilingkod nito sa mga mamamayan ng Laguna kung saan Board member si Angelica sa 3rd District ng Laguna. At parating gabay niya rito ang mga kilalang pulitiko sa Laguna at siyempre ang kanyang dear Mother na si Mommy Beth Jones na mahigit 3 dekada ng namamahala ng kanyang showbiz career.

In all fairness ang sipag ni Angelica talagang tutok siya lagi sa serbisyo niya sa tao, kung saan nagbibigay sila ng medical at burial assistance. May livelihood project din sila na malaking tulong sa mga mahihirap na kababayan sa Laguna. At naniniwala si Angelica na kaya siya naluklok sa posisyon niyang ito ay para makapagserbisyo sa constituents.

“Naniniwala ako, na ang Diyos at ang ating mga kababayan ang naglagay sa akin sa posisyon na ito. Kaya’t palagi kong pipiliin ang tama para sa kapakanan ng aking mga constituents.” Sabi pa ni Angelica, na mula sa pagiging member ng That’s Entertainment noong early 90’s ay malayo na ang narating ng career at ngayon ay isa nang ganap na government official. Inspirasyon nito ang anak na si Angelo Alarva na nasa showbiz na rin at kasalukuyang Junior High School sa La Salle, Lipa City.