Advertisers

Advertisers

WAWAO BUILDERS BAN NA SA DPWH!

0 42

Advertisers

PERSONAL na pinuntahan nitong Huwebes ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang isang riverwall o flood control project ng DPWH District 1 sa Barangay Sipat, Plaridel, Bulacan.



Base sa rekord na hawak ni Sec. Dizon, kinontrata ng Wawao Builders sa halagang P96.499.10 milyon ang proyekto na nagmula sa GAA 2024.

Sinimulan ang proyekto Marso 20, 2024, na inaasahan matatapos ng Disyembre 14, 2024, kungsaan gagawin ito sa halos 270 araw.

May sukat na 150.40 linear meter na concrete flood control structure na base sa report 100% sa actual accomplishment noong Enero 11, 2024. Nabayaran na rin ito Hulyo 21, 2024. Pero makikita sa mga larawan nito ang mga substandard na materyales na sini-mulang gawin halos tatlong linggo pa lamang ang nakalipas ng kinuhang subcon ng Wawao Builders.

Sinabi ng kalihim, na ito na ang pinakamabilis na kontraktor sa Kagawaran dahil nagawa niya ang proyekto ng halos buwan pa lamang.

Samantala, tiniyak ng kalihim, na mapapanagot ang mga nasa likod ng proyektong ampaw ng Wawao Builders.

Aniya, “lifetime” nang hindi makakabalik sa pagiging kontraktor ang naturang kumpanya, bukod dito sasampa-han ng kasong kriminal sa Department of Justice ang may-ari at maging ang mga kasabwat sa multong proyekto. (Thony D. Arcenal)