Advertisers

Advertisers

CAMILLE VILLAR ISINUSULONG ANG FREE DIALYSIS TREATMENT

0 22

Advertisers

Determinado si Senador Camille Villar sa kanyang pangako ng magkaroon ng abot-kaya at madaling maabot na healthcare o pangangalaga sa kalusugan, isang landmark measure na mag-aatas sa lahat ng national, regional, at provincial government na ospital na magtayo ng dialysis wards at magbigay ng libreng gamutan para sa mga mahihirap na pasyente.

Kamakailan, pinangunahan ng pinakabatang senador ng 20th Congress ang inagurasyon ng bagong CT Scan at MRI machines gayundin ang isang tulay na magdudugtong sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center.

Binigyang-diin ni Villar, vice chair ng  Senate Committee on Health and Demography, na ang parehong inisyatibo ay bahagi ng kanyang pananaw na maghatid ng mahalagang serbisyong pangkalusugan na mas malapit sa tao upang tiyaking walang Filipino na maiiwan.

“Healthcare is a right, not a privilege. Para sa mga kababayan nating lumalaban sa kidney disease, ang dialysis ay dapat abot-kaya at accessible. Sa panukalang ito, hangad nating walang maiwanan sa usapang pangkalusugan, lalo na yung mga nangangailangan,” sabi ni Villar.

Dagdag pa ni Villar, ang mga inisyatibang ito ay sumasalamin sa kanyang malawak na healthcare agenda – na pinagsamang batas  at imprastraktura para makagawa ng mas magpamalasakit at inklusibong sistema para sa usaping kalusugan ng mga kababayang Filipino.

Ipinapakita sa mga datos na isang Pinoy ang namamatay kada oras dahil sa kidney failure, kung saan tumataas pa ang kaso ng 15 porsiyento kada taon.

Umaabot ang gastos sa kada dialysis session sa pagitan ng P2,000 hanggang P4,500, kung saan ang pasyente ay higit kumulang tatlong beses nagpapa-dialysis sa isang linggo at umaabot ang gastos ng higit P13,000 kada linggo, isang pasanin na lagpas sa kakayahan ng mga minimum wage earners.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng mga opspital ng pamahalaan ay may maglalagay dialysis units sa loob ng dalawang taon, na may libreng treatment para sa mahihirap na pasyente na itatakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasabay nito, nangako din ang millenial senator na palalakasin ang kapasidad ng mga ospital gaya ng nakaraang inagurasyon ng bagong pasilidad sa Las Piñas General Hospital – isang proyekto na inilarawan niya bilang bahagi ng patuloy na pangako ng kanilang pamilya na mapabuti ang public health services sa bansa.

“This is only the beginning. I am committed to pursuing more reforms that will make healthcare a true pillar of national well-being. Every Filipino deserves a fair chance at life,” deklara ni Villar.