Advertisers

Advertisers

MALING PROPAGANDA NANGONGOLEKTA PA

0 11

Advertisers

NAKAKALUNGKOT malaman na kahit kakaunti na lamang ay gumagawa pa rin ng mga kabulastugan itong mg komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Isang ama, ang ating nakilala na nagngangalang Elmer Espina, ama ng isa sa anim na indibidwal na nadakip ng mga pulis at ng kasundaluhan sa Agusan del Sur.

Ang kwento ni Mang Elmer, mayroon daw agad na sumulpot na grupo at nagpapakilalang Free Agusan 6 Network na layunin ay tulungan at mapalaya ang anim na huli.

Pero iba ang alam ni Mang Elmer, sabi nito bukod sa nagoyo na ang kanilang anak na si Louvaine Erika na kilala na sa CPP-NPA bilang “Ka Pam/Tugas” Espina, at mawalay sa kanila ng walong taon dahil namundok na, eh ginagawa pa raw ngayong pagkakakitaan ang nakadetene niyang anak.

Paano? Nangangalap raw ng donasyon ang Free Agusan 6 Network na ang may likha ay ang CPP-NPA din.

“Ilang taon niyo siyang kinuha sa amin, nilinlang at ginamit sa mapanlinlang ninyong aktibidad,” ang nabasa ko rin na post sa social media ni Mang Elmer. Ito rin ang reply niya sa ginawang Facebook page ng Free Agusan 6 Network.

“Pagkatapos [niyo siyang] kunin sa pamilya namin ng halos walong taon, ginagamit niyo [naman siya] sa propaganda niyo! Gagamitin ninyo sa DONATION DRIVE!” dagdag pa ni Mang Elmer.

Sabi rin niya, na blinock na siya ng Facebook page na iyon.

“Ang kakapal ng mukha ninyo, pinagkakitaan niyo pa ang anak ko! Ni singko hindi ‘yan nakakaabot sa anak ko,” paliwanag pa ng kaawa-awang ama, na ang anak ay nalinlang ng CPP-NPA-NDF.

Wala talagang magawang magaling ang mga kaliwang samahan na iyan. Perwisyo na sa bayan, sumisira pa ng pamilya. Marami pang Mang Elmer. Salamat na lamang at tuloy-tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na hikayatin ang mga dating rebelde na magbalik-loob lamang sa pamahalaan at maibabalik silang muli sa tamang lipunan na dapat nilang ginagalawan.

Ang anim na nahuli pala sa Agusan bukod sa anak ni Mang Elmer ay sina Charisse “Chaba/Ka Nikki/Waya/Dom” Bañez, Arjie “Ka Ron-ron” Dadizon, Ronnie “Ka Rey” Igloria, Larry “Ka Laloy” Montero, Grace “Ka Jelyn/Love Joy” Man-aning. Ang mga yan ay nagoyo rin ng CPP-NPA-NDF.