Advertisers
ISANG “independent commission” ang dapat na magsiyasat sa mga iregularidad sa flood control projects instead na mga mambubutas este mambabatas partikukar senado, kungsaan tatlong miyembro nito ang nanguna sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa pagkakaroon umano ng koneksiyon sa mga kontraktor na kanila ngayong iniimbestigahan.
Sabi nga sa isang post sa X (dating Twitter) ni Atty. Jesus Falcis noong Setyembre 1, paanong walang sinuman sa mga senador na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senator Rodante Marcoleta ang nagtanong kay Centerways Construction and Development Inc. President Lawrence Lubiano tungkol sa pagkakaugnay ng huli kay Senate President Chiz Escudero.
Inamin ni Lubiano na nagbigay siya ng P30 million sa kampanya ni Escudero noong 2022 election. Hindi naman ito itinanggi ni Escudero.
Pero giit ni Escudero, “friend” sila ni Lubiano.
Ang Centerways Construction ni Lubiano ay isa sa top 15 flood control project contractors na nakakopo ng pinakamaraming kontrata sa gobyerno simula ng pagkapanalo ni Escudero noong 2022.
Reak nga ng isang netizen: “P30 million kapalit ng bilyones na kontrata. Sana all!!!”
“Correct me if I’m wrong—did Marcoleta or DDS Senators ask Lawrence Lubiano why he donated 30 Million pesos to Senate President Chiz Escudero?” bira sa X post ni Atty. Falcis.
“Did they even at least once ask him any question throughout the hearing about anything aside from introducing himself and asking if Centerways Construction is present? Meron bang kahit isang tanong? Parang wala ako narinig eh,” bira pa ng abogado.
Tanong ni Atty. Falcis: “DID THE SENATE PROTECT SENATOR CHIZ?” sa hindi pag-uusisa kay Lubiano kahit na andoon na ang pagkakataon.
Diin ni Falcis, walang karapatan ang Senado na mag-imbestiga sa usapin ng kurapsiyon sa flood control projects dahil “sila mismo mga Senador may questionable ties,” base sa report ng PCIJ kungsaan nanguna sa “Partial list of lawmakers with ties to contractors” si Escudero, kasunod sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Sen. Bong Go.
Sa PCIJ report, iniugnay si Escudero sa Centerways dahil top donor ng senador noong 2022 si Lubiano; si Villanueva, napabilang sa top donors noong 2022 ang New San Jose Builders Inc.; habang si Go, ama ang may-ari ng CLTG Builders at kapatid naman ang owner ng Alfrego Builders and Supply—pawang contractors ng gobyerno.
Matatandaang humarap din si Lubiano sa kaparehong pagdinig ng Kamara nitong Martes, Setyembre 2, kungsaan kinumpirma niya kay Akbayan Rep. Chel Diokno ang P30 milyon donasyon niya kay Escudero noong 2022. – Pilipinas Today FB page
Tumpak dito si Atty. Falcis, independent commission ang may “K” mag-imbestiga sa multi-billion flood control scam. Mismo!
Anyway, bumuo na nga si PBBM ng independet commission. Let’s see!!!