Advertisers

Advertisers

Koleksyon sa miembro ng isang partido napunta lang sa isang opisyal nito

0 44

Advertisers

NAKAKALUNGKOT naman ang isang partido pulitikal na ito dahil ang bawat koleksyon na nakukuha sa mga miyembro nito napupunta lamang sa bulsa ng ospiyal ng mga ito.

Batay sa mapagkakatiwalaang source ang naturang opisyal, nagpapaligaya sa walang humpay na paglustay ng pera ng mga miyembro ng partido.

Ang malupit nito ang partidon ito hindi lamang nakabase sa Metro Manila o sa Luzon kundi malakas din ito sa Mindanao.



Kawawang mga miyembro ng partido dahil sa buong akala nila mayroon pa silang maayos at magandang pondo na magagamit sa pangangailangan nguni’t sa huli wala na pala.

At hindi lang ‘yun mayroon din itong mga sport cars na nakaparada lamang sa Davao Del Norte, ang hirap yatang mag-maintain ng ganyang mga ari-arian kaya sobrang higpit ng pangangalangan ng opsiyal na ito ng partido.



Mahilig din sa pangongolekta ng mga baril ang opisyal na ito dapat i-raid na siguro ito ng National Breau of Immigration (NBI) at Philippine National Police (PNP) dahil baka walang mga sapat na lisensya ang mga baril nitong ospiyal na ito.

O baka kailangan pang gumamit ng Special Action Forces (SAF) para matiyak na tagumpay ang raid na isasagawa sa lahat ng tahanan ng opisyal.



Kilalang kilala ang opisyal na ito sa kanilang probinsya dahil sa pawang mga pultiko ang pamilya nguni’t dito sa Metro Manila ang kanyang pamilya, naninirahan sa isang sikat at mayamang village.

Kaya hindi ko masisi ang patutulak ng iba ukol sa Federalism at ang opisyal na ito kaalyado at espesyal din kaya sa Pangulo?