Advertisers
Kumalat na naman umano ang fake news na nategi na si Kris Aquino.
Ikinuwento ito ng mamamahayag na si Dindo Balares na close friend ni Kris.
Sa Instagram ni Balares, muntik na siyang nerbiyosin nang may mga kaibigan siya sa media na nagtanong kung totoong wala na si Kris.
“Sa unang nagtanong pa lang, muntik na akong tubuan ng nerbiyos! Parang yumanig ang Earth at bigla akong nahilo. Kung totoo raw ang information na nakarating sa editorial desk nila. Si Kris Aquino raw, dead na,” ayon sa post ni Balares.
Agad daw siyang tumawag sa mga nag-aalaga kay Kris at nalaman niyang walang katotohanan ang kumalat na balita.
“Pagkatanggap ko sa unang tawag, nangumusta ako agad sa isa sa mga nag-aalaga kay Kris. Ang sagot sa akin: “Sleeping po.” Saka lang ako nakahinga ng maluwag,” ayon pa kay Balares.
Nang makausap aniya si Kris ay ikinuwento niya ang nasagap niyang maling balita. Agad daw itong nagpadala ng larawan.
“Maybe coming from here,” ayon daw kay Kris na ang tinutukoy ay ang larawan niya sa ospital. “You know my BP (blood pressure) was going crazy. My WBC (white blood cells) dropped. Waiting for my doctors to explain.”
“My BP NOW. Scary,” mensahe niya. “When I reached 172/112 – I told Alvin to call St. Luke’s for an ambulance.”
“They checked if i had more blood clots. The good news- the blood clot that required for the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly,” sey pa raw ni Kris.
At tiniyak din daw ni Kris kay Balares na, “Kaya pa” kaya tuloy lang ang laban.