Advertisers

Advertisers

Visa-free entry ng mga Chinese pinalawig hanggang 2028

0 3

Advertisers

NAGLABAS ng panuntunan ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa isang taong pagpapalawig ng 14-day visa-free privilege ng mga Chinese nationals sa bansa.

Sakop ng bagong circular ang panahon mula January 16, 2027 hanggang January 15, 2028, kung saan malayang makapapasok sa Pilipinas nang walang visa ang mga Chinese visitor na may pakay sa turismo o negosyo.

Klinaro ng kagawaran na kailangan pa ring makapasa sa mga standard immigration requirement ang mga naturang biyahero, na tanging sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan-Cebu International Airport lamang maaaring lumapag.



Layunin ng hakbang na mapanatili ang tuloy-tuloy na pagpasok ng mga dayuhang bisita at mamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng mas pinadaling proseso sa paliparan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">